Obispo ng Cubao, pina-igting ang pakikiisa sa mga maralita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 82,880 total views

Pinagtibay ng Diocese of Cubao ang patuloy nitong pakikilakbay sa mga sektor ng lipunan na kadalasang naisasantabi, kabilang ang persons in street dwelling situations (PSDS), bilang pagsasabuhay ng utos ng Ebanghelyo na makiisa sa mga mahihirap at nasa laylayan.

Ito ang binigyang-diin ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF, sa ginanap na Solidarity Encounter at Christmas Celebration para sa PSDS sa Diocesan Shrine of St. Joseph sa Cubao, Quezon City nitong Disyembre 13.

Ayon sa obispo, ang pakikipagkaisa sa mga dukha lalo na sa mga naninirahan sa lansangan ay hindi lamang simpleng gawaing kawanggawa kundi isang malinaw na pananagutan ng Simbahan. “Ito ay Gospel mandate; hindi ito bago at hindi imbensyon ng Cubao. Sinusunod lamang natin ang utos ng Panginoon na lingapin ang mga mahihirap at ang pinakamahirap na sektor ng lipunan,” pahayag ni Bishop Ayuban sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ng obispo na taunang isinasagawa ng diyosesis ang naturang programa bilang bahagi ng tuluy-tuloy na pakikilakbay sa mga PSDS, hindi lamang tuwing Kapaskuhan kundi lalo na sa mga panahong higit na kailangan ang tulong, gaya ng mga sakuna at kalamidad.

Binigyang-diin ni Bishop Ayuban na ang programa ay hindi lamang nakatuon sa pamamahagi ng regalo o agarang tulong, kundi sa pagkilala sa dignidad at pagiging mapalad ng mga mahihirap, alinsunod sa mensahe ng Ebanghelyo. “Hindi lamang sila nasa receiving end; nakikibahagi rin ang Simbahan sa kanilang pagiging mapalad. We also share their blessedness,” ani Bishop Ayuban.

Bukod sa mga PSDS, patuloy ding nagsasagawa ang diyosesis ng iba’t ibang programa para sa mga nasa laylayan sa pamamagitan ng Urban Poor Ministry, Social Services and Development Ministry, at ng iba pang katuwang na
organisasyon.

Layunin din ng mga inisyatiba na hindi lamang magbigay ng tulong kundi magtaguyod ng pangmatagalang empowerment ng mga benepisyaryo.

Hangarin ng diyosesis na darating ang panahon na ang mga PSDS ay magkakaroon din ng kakayahang tumulong sa kapwa
na higit na nangangailangan.

Tinatayang 350 ang mga benepisyaryo ng programa na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Vicariate of St. Joseph the Worker, Kaagapay ng mga Sandigan ng Masang Nasa Kalsada (KASAMA KA), Saint John Paul II Parish, Inter-Congregational Conference of New Manila, at ng UP Junior Social Workers Association of the Philippines.

Pinangunahan ni Bishop Ayuban ang banal na misa bago ang pagtitipon, kasama sina Frs. Victor Angelo Parlan, Dennis Soriano, Jose Tupino III, at Angelito Angcla, CMF.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 8,134 total views

 8,134 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 31,286 total views

 31,286 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 101,399 total views

 101,399 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 176,012 total views

 176,012 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 255,559 total views

 255,559 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top