Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagong Arsobispo ng Archdiocese of Cotabato, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,270 total views

Humiling ng panalangin si Cotabato Archbishop Charlie Inzon sa pagsisimula ng kanyang paglilingkod bilang bagong pinunong pastol ng Archdiocese of Cotabato.

Ayon sa arsobispo, mahalaga ang patuloy na panalangin upang manatiling nakaangkla sa puso ni Hesus ang kanyang pagiging pastol sa mahigit isang milyong Katoliko sa arkidiyosesis.

“As I begin in this new ministry of leadership in the Archdiocese of Cotabato, I ask for your prayers that my heart may be shaped after the heart of Jesus; as a shepherd attentive to the needs of the flock,” ayon kay Archbishop Inzon.

Ibinahagi ng arsobispo na hindi niya inaasahan ang mga tungkuling ipinagkatiwala sa kanya sa paglipas ng panahon mula sa pagiging payak na misyonero ng Oblates of Mary Immaculate, hanggang sa pangangasiwa sa mga eskwelahan ng kongregasyon, pagiging provincial superior, at pagkakatatalaga bilang obispo noong 2020.

Hangad ng Arsobispo na magampanan ang misyon nang may kababaang-loob, katapatan, at diwa ng simbahan na sama-samang naglalakbay.

“A servant leader committed to serving rather than being served, and a faithful steward exercising leadership with transparency, accountability, courage, and love,” dagdag ng arsobispo.

Iginiit ni Archbishop Inzon na ang pagtatalaga sa kanya sa mas malalaking tungkulin ay bahagi ng mas malalim na panawagan ng Diyos.

“What I do know now is that I surrender to His will, trusting that He knows what is good for me and for His Church. I entrust everything to Mary Immaculate, my constant companion,” ayon kay Archbishop Inzon.

Pormal na niluklok si Archbishop Inzon sa Immaculate Conception Cathedral sa Cotabato City sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi kay Maria at ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng arkidiyosesis.

Pinangunahan ang rito ng pagluklok ni Archbishop Emeritus Angelito Lampon kasama si Cardinal Orlando Quevedo, at dinaluhan ng mga pari ng KidMaCo sub-region, mga obispo mula sa iba’t ibang diyosesis, mga opisyal ng CBCP, lokal na pamahalaan, at mananampalataya.

Kasabay ng kanyang panunungkulan sa Cotabato, ipinagkatiwala pa rin ng Vatican kay Archbishop Inzon ang pansamantalang pamumuno sa sede vacante ng Bikaryato ng Jolo hanggang makapagtalaga ang Santo Papa ng kahalili.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 3,035 total views

 3,035 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 70,523 total views

 70,523 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 91,588 total views

 91,588 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 114,523 total views

 114,523 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 151,983 total views

 151,983 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top