Patuloy na suporta sa Caritas Manila, panawagan ng Viva Communications at One Meralco Foundation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 100,763 total reads

Inaanyayahan ng Viva Communications at One Meralco Foundation ang mga Pilipino na suportahan ang mga inisyatibo ng Caritas Manila sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga nasasalanta ng kalamidad at pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap.

Ginawa ni Viva – Concert Director Paul Basinillo at One Meralco Foundation President Jeffrey Tarayao ang apela sa naging matagumpay na “Padayon Pag-ibig, Damayan sa Pag-ahon” concert.

Ang malilikom na pondo ay ipagkakaloob sa Caritas Manila para itaguyod ang rehabilitasyon ng mga tahanan na nasira ng lindol sa Cebu at Davao.

Inihayag ni Basinillo na pagtutulungan ng Viva Communications, One Meralco Foundation at Caritas Manila para mabilis na makabangon ang mga nasalanta ng lindol.

Inaasahan ni Basinillo ang pakikiisa ng mga kabataan sa mga inisyatibong tutulungan ang mga nabibiktima ng kalamidad upang mamulat at mapalalim ang kanilang kaalaman.

“Syempre gusto natin yung mga kabataan talaga ang mag-represent para tumulong sa ating mga nasalanta. So together with Caritas Manila and Viva, pinagtulungan natin ito para makagather tayo ng enough funds para matulungan natin yung ating mga kababayan. So guys, we’d like to invite you to please support our effort, especially Padayon. We’ve done Padayon in the past and now it’s Padayon 2025. Sama-sama po tayong tumulong at supportahan ang ating mga kababayan na nasalanta,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Basinillo.

Inaanyayahan naman ni Tarayao ang mga Pilipino na makiisa sa mga programa ng Caritas Manila para tulungan ang biktima ng kalamidad at mga nagugutom.

“Kaya kung tayo po ay magtutulong-tulong, magiging makabuluhan po ang pagdiriwang hindi lamang ng kanilang Pasko, kundi ng Pasko ng ating mga sarili. Kaya maraming maraming salamat po. this collaboration happened because of our partnership with Caritas Manila. One Meralco Foundation and Caritas Manila has been working together for many years. Father Anton, for example, is in the board of One Meralco Foundation and we see the participation of the Church very important in the work that we do in One Meralco Foundation,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Tarayao.

Nagtatanghal sa concert ang mga Viva Artist na sina Angela Muji, Ashtine Olviga, Aubrey Caran, Carlo, CJ Villavicencio, Dana Pauline, Heart Ryan, Justine Lim, Juan Caoile, Keagan de Jesus, Kiel, Kurt Delos Reyes, Lee Dae Won, Martin Venegas, Meg Zurbito, Nic Galvez, Nicole Omillo, Rabin Angeles, Rafa Victorino, Rhodessa, Sara Joe, at marami pang iba.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 46,309 total reads

 46,309 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 68,400 total reads

 68,400 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 168,215 total reads

 168,215 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 201,542 total reads

 201,542 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 232,283 total reads

 232,283 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top