Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo ng Cubao, pina-igting ang pakikiisa sa mga maralita

SHARE THE TRUTH

 8,578 total views

Pinagtibay ng Diocese of Cubao ang patuloy nitong pakikilakbay sa mga sektor ng lipunan na kadalasang naisasantabi, kabilang ang persons in street dwelling situations (PSDS), bilang pagsasabuhay ng utos ng Ebanghelyo na makiisa sa mga mahihirap at nasa laylayan.

Ito ang binigyang-diin ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF, sa ginanap na Solidarity Encounter at Christmas Celebration para sa PSDS sa Diocesan Shrine of St. Joseph sa Cubao, Quezon City nitong Disyembre 13.

Ayon sa obispo, ang pakikipagkaisa sa mga dukha lalo na sa mga naninirahan sa lansangan ay hindi lamang simpleng gawaing kawanggawa kundi isang malinaw na pananagutan ng Simbahan. “Ito ay Gospel mandate; hindi ito bago at hindi imbensyon ng Cubao. Sinusunod lamang natin ang utos ng Panginoon na lingapin ang mga mahihirap at ang pinakamahirap na sektor ng lipunan,” pahayag ni Bishop Ayuban sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ng obispo na taunang isinasagawa ng diyosesis ang naturang programa bilang bahagi ng tuluy-tuloy na pakikilakbay sa mga PSDS, hindi lamang tuwing Kapaskuhan kundi lalo na sa mga panahong higit na kailangan ang tulong, gaya ng mga sakuna at kalamidad.

Binigyang-diin ni Bishop Ayuban na ang programa ay hindi lamang nakatuon sa pamamahagi ng regalo o agarang tulong, kundi sa pagkilala sa dignidad at pagiging mapalad ng mga mahihirap, alinsunod sa mensahe ng Ebanghelyo. “Hindi lamang sila nasa receiving end; nakikibahagi rin ang Simbahan sa kanilang pagiging mapalad. We also share their blessedness,” ani Bishop Ayuban.

Bukod sa mga PSDS, patuloy ding nagsasagawa ang diyosesis ng iba’t ibang programa para sa mga nasa laylayan sa pamamagitan ng Urban Poor Ministry, Social Services and Development Ministry, at ng iba pang katuwang na
organisasyon.

Layunin din ng mga inisyatiba na hindi lamang magbigay ng tulong kundi magtaguyod ng pangmatagalang empowerment ng mga benepisyaryo.

Hangarin ng diyosesis na darating ang panahon na ang mga PSDS ay magkakaroon din ng kakayahang tumulong sa kapwa
na higit na nangangailangan.

Tinatayang 350 ang mga benepisyaryo ng programa na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Vicariate of St. Joseph the Worker, Kaagapay ng mga Sandigan ng Masang Nasa Kalsada (KASAMA KA), Saint John Paul II Parish, Inter-Congregational Conference of New Manila, at ng UP Junior Social Workers Association of the Philippines.

Pinangunahan ni Bishop Ayuban ang banal na misa bago ang pagtitipon, kasama sina Frs. Victor Angelo Parlan, Dennis Soriano, Jose Tupino III, at Angelito Angcla, CMF.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 70,111 total views

 70,111 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 94,101 total views

 94,101 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Pasko ng mga OFW

 84,557 total views

 84,557 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 100,622 total views

 100,622 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 140,332 total views

 140,332 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Dignidad ng tao, pundasyon ng moralidad

 26,297 total views

 26,297 total views Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) at mga Mission Partners sa pagtatanggol sa

Read More »
Scroll to Top