Evangelization, paiigtingin ng Radio Veritas ngayong kapaskuhan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 77,549 total reads

Tiniyak ng Radyo Veritas ang mas pinaigting na pagpapalaganap ng misyon ng ebanghelisasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang media platforms, lalo na ngayong pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang.

Ayon kay Fr. Roy Bellen, pangulo ng himpilan, bahagi ng layunin ng Radyo Veritas, bukod sa paghahatid ng makatotohanang balita at impormasyon ay ang pagpapalaganap ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya.

“Tayong mga Pilipino ay kilala sa mahabang paghahanda para sa Pasko, kabilang dito ang Simbang Gabi at Misa de Gallo. Kaya ihahatid ng Radyo Veritas ang on-air at online masses para sa mga hindi makadalo nang personal sa parokya dahil sa iba’t ibang kadahilanan,” pahayag ni Fr. Bellen sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng pari, sa kabila ng abala sa trabaho at pang-araw-araw na buhay, mahalagang pag-ukulan ng panahon ang Banal na Misa kung saan nakakasalamuha si Hesus.

Maglalaan ang himpilan ng tatlong misa para sa Simbang Gabi, Misa de Gallo, at novena masses upang mabigyan ang mas maraming mananampalataya ng pagkakataong makibahagi sa paghahanda sa Pasko ng Pagsilang.

Magsisimula ang Simbang Gabi sa December 15, alas-6 ng gabi, susundan ng Misa de Gallo tuwing alas-12 ng hatinggabi mula December 16, at ng novena masses tuwing alas-6 ng umaga.Mga Tagapagdiwang (Simbang Gabi – 6:00 PM, Dec. 15–23):
Fr. Raymond Tapia, CHS; Fr. Cris Pine, OFM; Fr. Miguel Ramirez; Novaliches Bishop Roberto Gaa; Military Bishop Oscar Jaime Florencio; Fr. Felmar Fiel; Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF; at Fr. Glen Mar Gamboa, OP.

Mga Tagapagdiwang (Misa de Gallo – 12:00 MN, mula Dec. 16):
Fr. Arnold Layoc; Fr. William Garcia; Fr. John Harvey Bagos; Fr. Robert Leus, CJM; Fr. Edward Dantis, SSP; Fr. Dominic John Cagang, MJ; Fr. Alejandro Alia, FSA; Fr. Joel Saballa; at Fr. Vhong Turingan.

Mga Tagapagdiwang (Novena Masses – 6:00 AM, mula Dec. 16):
Fr. Dan Cancino, MI; Fr. Dexter Austria, OP; Fr. Roy Bellen; Fr. Jeff Agustin, OFM Cap.; Fr. Miguel Condes, O.Carm; Bishop Antonio Tobias; Fr. Franz Dizon; Fr. Jade Licuanan; at Fr. Robin Ross Plata, OAR.

Mapakikinggan ang mga misa sa 846 AM, Cignal Channel 313, at mapapanood sa DZRV 846 Facebook page, Veritas PH YouTube channel, Veritas TV Sky Cable Channel 211, at Veritas TV Cebu Channel 47.

Para sa nais maging bahagi ng Eucharistic Advocates ng himpilan, maaaring makipag-ugnayan sa Religious Department sa (02) 8925-7931 hanggang 39, locals 129, 131, at 137, o sa 0917-631-4589.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 15,754 total reads

 15,754 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 78,846 total reads

 78,846 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 115,634 total reads

 115,634 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 146,371 total reads

 146,371 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 196,094 total reads

 196,094 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 257,693 total reads

 257,693 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top