Dignidad ng tao, pundasyon ng moralidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,998 total reads

Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) at mga Mission Partners sa pagtatanggol sa buhay at dignidad ng tao kasabay ng paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao noong December 10.

Sa kanilang pahayag, binigyang-diin ng grupo na “ang karapatang pantao ay hindi lamang pananaw o polisiya, ito ay mga banal na biyayang nakaugat sa dignidad na bigay ng Diyos sa bawat tao.”

Iginiit nila na ang dignidad ng tao ang pundasyon ng moralidad sa lipunan, subalit “sugatan” pa rin ang karapatan ng maraming Pilipino sa kasalukuyang panahon.

Pinuna ng CMSP-JPICC ang patuloy na paghahanap ng katarungan ng mga pamilyang biktima ng karahasan, ang red-tagging at pananakot laban sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao, at ang mga kaso ng harassment at pagpapalayas sa mga katutubo mula sa kanilang lupang ninuno.

Binatikos din ng grupo ang laganap na korapsyon na anila’y sumisira sa mga komunidad.

“Buong tapang naming binibigyang-diin: ang malawakang korapsyon sa mga flood control projects ay isang mabigat na kasalanan laban sa sambayanan,” pahayag nila.

Ayon sa grupo, nagiging “kamatayan” ang korapsyon para sa mahihirap na paulit-ulit na nalalagay sa panganib at pagdurusa.

“Hindi maaaring manahimik ang Simbahan… Ito ay hindi lamang isyu ng pamamahala. Ito ay paglabag sa karapatang pantao at kasalanan laban sa Diyos at sa bayan,” dagdag ng CMSP-JPICC.

Iginiit ng grupo na ang daing ng mga biktima ng karahasan, baha, gutom, at pang-aabuso ay “daing ni Kristo,” kaya’t tungkulin ng simbahan na tumindig para sa mga walang boses.

“Pinagtitibay namin ang aming misyon: tumindig para sa katotohanan, samahan ang mga biktima, ipagtanggol ang mga naaapi, at manawagan ng pananagutan at tapat na pamamahala,” ayon sa grupo.

Hinimok din nila ang taumbayan na tanggihan ang kasinungalingan, labanan ang korapsyon, at isulong ang katarungan at kapayapaan.

Sa kabila ng mga hamon, nagpahayag ang CMSP-JPICC ng pag-asa, isang “pag-asang kumikilos, gumagaling, at nagbabago.”

Ang December 10 ay ginugunita bilang Human Rights Day mula nang pagtibayin ng United Nations General Assembly noong 1948 ang Universal Declaration of Human Rights, ang kauna-unahang pandaigdigang dokumentong naglatag ng batayang karapatan at kalayaan ng lahat ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 44,458 total reads

 44,458 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 79,133 total reads

 79,133 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 107,925 total reads

 107,925 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 144,407 total reads

 144,407 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 159,874 total reads

 159,874 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top