Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao, ginunita ng Human Rights advocates

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,383 total reads

Nagkaisa ang ecumenical at human rights groups sa Negros upang gunitain ang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao ngayong Disyembre 10, 2025.

Nananawagan sa publiko ang One Negros Ecumenical Council (ONE-C), Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw at Abusado Network Alliance – Negros (TAMA NA! ALLIANCE-Negros), kasama ang Human Rights Advocates in Negros (HRAN) na makiisa sa isang malawakang March-Rally, kasabay ng pagdiriwang ng 77th Anniversary ng Universal Declaration of Human Rights ng United Nations.

Sinasabi ng mga grupo na ang pagdiriwang ngayong taon ay higit na makabuluhan sa gitna ng malalim na kahirapan at patuloy na paglabag sa karapatan ng mamamayan sa bansa.

Sa nagkakaisang pahayag ay binigyang-diin ng mga ecumenical at human rights groups na ang malawakang kahirapan at kakulangan sa tunay na pag-unlad ay nag-aalis sa karamihan ng Pilipino ng karapatan sa isang makatao at disenteng pamumuhay.

Dagdag pa ng mga grupo, lalo pang lumalala ang kondisyon ng mahihirap habang bilyon-bilyong pisong pondo ng bayan ang ninanakaw ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

“In our country today, massive poverty and underdevelopment deprived the overwhelming majority of our people of the fundamental right to lead a truly human life, and to everything necessary to maintain it. This miserable condition of the poor much worsened as billions of pesos from the people’s money had been anomalously siphoned by the corrupt bureaucrats.” Bahagi ng nagkakaisang pahayag ng ecumenical at human rights groups sa Negros.

Binigyang-diin rin ng koalisyon na ang karapatan ng mamamayan sa holistic at genuine development ay patuloy na naisasantabi dulot ng katiwalian sa pamahalaan, patuloy na karahasan sa lipunan, at gayundin ang pagkasira ng kalikasan sanhi ng mapanirang mga proyekto ng lokal at dayuhang korporasyon.

“Likewise, People’s Rights to holistic and genuine development had been violated due to not only bureaucratic corruption but of widespread human rights violations and plunder of our environment by the local and foreign “development” aggression.” Dagdag pa ng mga grupo.

Kabilang sa mga nakahanay na gawain para sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao partikular na ang ika-77 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights ng United Nations ang PEOPLE’S WALK / MARCH na magsisimula sa Provincial Capitol Lagoon (South Capitol Lagoon) mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-singko ng hapon; at ang HUMAN RIGHTS RALLY na nakatakda sa Bacolod City Public Plaza Replica mula alas-dos hanggang alas-singko ng hapon.

Umaasa ang ONE-C, TAMA NA! ALLIANCE-Negros, at HRAN sa aktibong pakikiisa ng lahat ng sektor ng lipunan mula sa mga kabataan, simbahan, manggagawa, kababaihan, at mga people’s organizations sa makasaysayang pagtitipon upang isulong ang katapatang pantao ng bawat isa sa lipunan.

Layunin din ng kilos-protesta na maging isang malakas na pagpapahayag ng mamamayan ng Negros laban sa korapsyon, paglabag sa karapatang pantao, at patuloy na pagkasira ng kalikasan kasabay ng pananawan para sa isang mas makatao, makatarungan, at maka-Diyos na lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 6,681 total reads

 6,681 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 106,380 total reads

 106,380 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 189,410 total reads

 189,410 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 283,741 total reads

 283,741 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 345,154 total reads

 345,154 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top