Harapin ang kamatayan nang may pag-asa-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,652 total views

Harapin ang kamatayan nang may pag-asa-Pope Leo XIV

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na harapin ang kamatayan nang may pag-asa at hindi takot, sa bisa ng muling pagkabuhay ni Hesus na nagbubukas ng buhay na walang hanggan.

Sa kanyang katesismo sa Vatican para sa temang “Jesus Christ Our Hope,” binigyang-diin ng Santo Papa na ang modernong lipunan ay abala sa pag-iwas sa usapin ng kamatayan at labis na umaasa sa agham at medisina upang humanap ng “immortality,” habang nalilimutan ang pangako ng kaligtasan.

“Death is not the end, but a passing from this life into eternity… We are invited to look forward to the dawn of the Resurrection,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Ayon sa Santo Papa, ang takot sa kamatayan ay bunga ng kulturang umiiwas mag-isip tungkol dito. Subalit bilang mga Kristiyano, aniya, dapat itong tingnan bilang panahon ng paghahanda at paanyaya upang suriin ang sariling buhay.

“Our present culture tends to fear death and seeks to avoid thinking about it. Death is not something to be feared, but a moment to prepare for,” aniya.

Paliwanag niya, habang abala ang tao sa paghahanap ng paraan upang maging imortal, napababayaan ang higit na mahalagang paghahanda para sa muling pagharap sa Panginoon.

Ang kamatayan, ay dapat magtulak sa bawat isa na gawing makabuluhan ang buhay sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan at pagsasabuhay ng Ebanghelyo.

Dagdag pa ni Pope Leo XIV, ang muling pagkabuhay ni Hesus ang nagbibigay-liwanag sa ating mortalidad at nagpapakita ng pag-asang nagmumula sa tagumpay ng Panginoon laban sa kamatayan.

“Jesus has passed from death to life as the firstfruit of a new creation… The light of Christ’s victory illuminates our mortality,” giit ng Santo Papa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 106,924 total views

 106,924 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 130,083 total views

 130,083 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 151,357 total views

 151,356 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 312,752 total views

 312,751 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top