Molbog tribe ng Palawan, humiling ng suporta sa simbahan at civil society groups

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 61,716 total reads

Mariing kinondena ng Sambilog-Balik Bugsuk Movement ang patuloy na pananakot, pang-uusig, at banta ng sapilitang pagpapalayas sa 282 residente ng Sitio Marihangin, Barangay Bugsuk, Balabac, Palawan, kaugnay ng isinampang kaso na nakatakda sa pagdinig ngayong December 11, 2025 sa Brooke’s Point Regional Trial Court.

Sa pahayag, iginiit ng Molbog tribe na hindi nila kailanman iniwan ang Marihangin dahil dito ipinanganak, lumaki, at inilibing ang kanilang mga ninuno.

“Ito ang aming tahanan, aming kabuhayan, aming sambahan, at libingan ng aming mga ninuno. Ngunit sa loob ng maraming taon, paulit-ulit kaming hinaharass at tinatanggalan ng karapatan sa lupa at karagatang ninuno,” pahayag ng Sambilog.

Inilarawan ng mga katutubo ng Sitio Marihangin ang matagal nang panggigipit, kabilang ang paglusob ng mahigit isang daang armadong guwardiya sa nagdaang taon, na pinaniniwalaang mga tauhan ng San Miguel Corporation.

Binanggit din ng grupo ang magkakasunod na kaso laban sa 20 residente, kabilang ang grave coercion, direct assault, cyberlibel at illegal fishing, at hanggang ngayon, nakakulong pa rin sa Iwahig Penal Colony ang sitio leader na si Oscar “Tatay Ondo” Pelayo.

Giit ng grupo, mali ang pagtawag sa kanila bilang “squatter” at “informal settler,” lalo’t kinilala na noong 2011 ng Sandiganbayan ang paglabag sa kanilang karapatan nang pagmultahin ang dating alkalde ng Balabac dahil sa hindi paghingi ng Free, Prior and Informed Consent (FPIC) bago pahintulutan ang Jewelmer Corporation na magsagawa ng pearl farm operation sa karagatang ninuno.

Dagdag pa rito, nakabinbin pa rin mula 2005 ang kanilang aplikasyon para sa Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) sa National Commission on Indigenous Peoples.

“Ang pinakabagong kaso ngayon ay isa lamang panibagong paraan para takutin at palayasin kami sa aming sariling tahanan,” ayon sa grupo.

Ayon sa Sambilog, konektado ang kaso sa planong 25,000 ektaryang luxury tourism project ng SMC, na mabilis nakakuha ng Environmental Compliance Certificate, Strategic Environment Plan Clearance, Certificate of Non-Overlap, at pagbaliktad ng Department of Agrarian Reform sa Notice of Coverage sa mga apektadong lupain.

Sa huli, nanawagan ang grupo sa mamamahayag, Simbahan, civil society groups at iba pang mamamayan na manindigan kasama ang 282 residente ng Marihangin upang ipagtanggol ang buhay, tahanan at dignidad ng buong komunidad.

“Hindi kami aalis. Hindi kami matatakot. Sa amin ang Marihangin,” giit ng grupo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 61,042 total reads

 61,042 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 140,041 total reads

 140,041 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,486 total reads

 173,486 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,784 total reads

 208,784 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 432,848 total reads

 432,848 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,324 total reads

 157,324 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top