Antipolo cathedral, dinalaw ng relikya ni St. Carlo Acutis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 71,492 total reads

Inihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na ang paanyaya sa kabanalan ay paanyayang laging napapanahon para sa bawat mananampalataya.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdalaw ng relikya ni Saint Carlo Acutis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral nitong December 5 bilang bahagi ng nationwide relic pilgrimage ng batang santo.

Ayon kay Bishop Santos, ipinapakita ng buhay ni San Carlo na maging sa ordinaryong gawain sa makabagong panahon ay matatagpuan ang daan tungo sa kabanalan.

“Holiness is possible even in our modern, digital age. Saint Carlo shows us that sanctity is possible in the ordinary, in the digital, in the everyday,” pahayag ni Bishop Santos.

Pinuri ni Bishop Santos ang halimbawa ng millennial saint na isang computer genius na ginamit ang kaniyang talino sa teknolohiya upang ipalaganap ang misyon ng Panginoon at ipakilala si Kristo.

Aniya, tulad ni Acutis, nawa’y gamitin ng bawat binyagan ang kanilang talento upang papurihan ang Diyos at ihayag ang Ebanghelyo sa pamayanan kasabay ng paalala na ang bawat salita ay dapat magdulot ng kabutihan.

“Use your words to build, not to destroy… Think about what is true and good. Speak what is true and good. Do what is true and good… Do not spread lies, fake news, or gossip,” paalala ni Bishop Santos.

Bagama’t bihasa ang kasalukuyang henerasyon sa paggamit ng iba’t ibang digital tools, iginiit ng obispo na kaakibat nito ang malaking tungkulin na gamitin ang teknolohiya sa kabutihan, alinsunod na rin sa mga turo ng Simbahan sa Inter Mirifica.

“The Lord has entrusted us with these tools not for vanity, but for truth, for goodness, and for love… Technology is not the end, but a means. The true goal is holiness,” diin ng obispo.
Hinikayat din ni Bishop Santos ang mananampalataya na tularan ang malalim na debosyon ni Saint Carlo sa Eukaristiya, dala ng kaniyang kilalang katagang “The Eucharist is my highway to heaven.”

Araw-araw na misa, pagtatanod sa Banal na Sakramento, at paglikha ng website tungkol sa Eucharistic miracles ang ilan sa mga gawaing nagpaunlad sa kabanalan ng batang santo.

Nagsimula ang Pericardium Relic Pilgrimage ni Saint Carlo Acutis noong November 28 at bibisita sa iba’t ibang diyosesis, parokya, at Catholic institutions sa bansa hanggang December 15.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 143,409 total reads

 143,409 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 216,788 total reads

 216,788 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 250,236 total reads

 250,236 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 285,534 total reads

 285,534 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 506,496 total reads

 506,496 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top