Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na gawing tunay tahanan ang simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 80,633 total views

Nanawagan si Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula sa mga mananampalataya na gawing tunay na tahanan ang Simbahan para sa lahat, lalo na para sa mga sugatan, nagdududa at matagal nang lumayo sa pananampalataya.

Sa kanyang homiliya sa unang araw ng Misa de Gallo sa Manila Cathedral, binigyang-diin ng Cardinal na ang Simbahan ay hindi lamang para sa mga “perpekto,” kundi para sa lahat lalo na sa mga naghahanap sa Diyos.

“Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan para sa lahat ng bayan. Walang ibinubukod. Walang nalilimutan,” ayon kay Cardinal Advincula.

Ayon sa arsobispo, maraming Pilipino ang humihinto sa pagsisimba dahil sa pakiramdam ng panghuhusga at hindi pagtanggap, isang katotohanang dapat harapin ng Simbahan nang may kababaang-loob.

“Iniisip ng ilan na ang Simbahan ay para lamang sa mga perpekto. Dahil dito, marami ang lumalayo,” ani ng cardinal.

Ibinahagi rin ng cardinal ang patotoo ng isang Overseas Filipino Worker na nakatagpo ng pag-asa sa Simbahan sa kabila ng pagiging malayo sa pamilya.

Aniya, naging kanlungan ang simbahan para sa mga migrante at biktima ng digmaan at pagkakawatak-watak.

“Ang Simbahan ay naging kanlungan ng mga taong sugatan; hindi lamang ng digmaan kundi dahil naiwan at napagtaksilan,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Binibigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang diwa ng Simbang Gabi ay paanyaya sa pagbubukas ng puso hindi lamang sa pagdating ng Pasko, kundi sa pagtanggap sa kapwa.

Hinamon din ng arsobispo ang mga mananampalataya na suriin ang sarili kung sino ang iniiwasan sa pamilya, trabaho at pamayanan, at kung paano nagiging hadlang ang pagiging sarado ng isip sa tunay na diwa ng Ebanghelyo.

“Madalas, tayo mismo ang pumipili kung sino ang ating tatanggapin. Nakikinig lamang tayo sa mga tinig na sumasang-ayon sa atin,” paalala ng cardinal.

Dalangin ni Cardinal Advincula na sa loob ng siyam na araw ng Simbang Gabi, maging isang Simbahang “tumatanggap at yumayakap” ang sambayanang Pilipino na nakikinig sa halip na humuhusga at sumasalamin sa pag-ibig ni Kristo.

Binigyang diin ni Cardinal Advincula na malinaw ang mensahe ngayong panahon ng paghahanda sa Pasko na ang “Simbahan ay tahanan ng lahat.”

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 8,626 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 8,732 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 70,367 total views

 70,367 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 140,142 total views

 140,142 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 171,424 total views

 171,424 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 203,439 total views

 203,439 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 352,111 total views

 352,111 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top