8.1-bilyong pisong budget ng NTF-ELCAC, binatikos ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 108,706 total reads

Muling nagpahayag ng paninindigan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (ECSA-JP) at Caritas Philippines para sa tunay na kapayapaan, kaunlaran, at paggalang sa dignidad ng bawat Pilipino.

Ito ang bahagi ng mensahe ng humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP sa bagong pastoral letter kaugnay sa panukalang ₱8.1 bilyong badyet para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Ayon kay Caritas Philippines President San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, mahalagang isulong ang tunay na kapayapaan, kaunlaran, at paggalang sa dignidad ng bawat Pilipino lalo na para sa mga dukha, mahihina, at mga pamayanang patuloy na nakararanas ng sigalot.

Sa gitna ng kakapusan ng pondo ng bayan at patuloy na paglaganap ng kahirapan, iginiit ng Caritas Philippines na nararapat suriing mabuti ang panukalang alokasyon, lalo’t inilalarawan ito bilang gantimpala sa mga lokal na pamahalaan at barangay na idineklarang cleared ng insurgency.

“Caritas Philippines and ECSA-JP stand with communities in their struggle not only for assistance, but for dignity; not only for projects, but for justice; not only for temporary calm, but for a peace that is rooted, inclusive, and lasting.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Binigyang-diin ng Simbahan na ang kapayapaan ay hindi gantimpala o pabor na ipinagkakaloob, kundi bunga ng katarungan.

Bagamat kinikilala ng Simbahan ang hangarin ng pamahalaan na maghatid ng kaunlaran sa mga apektadong lugar, iginiit nito na hindi sapat ang mabuting layunin kung ang paraan ay sumisira sa katarungan, dignidad ng tao, at demokratikong partisipasyon.

Nanawagan ang Simbahan sa pamahalaan na ituon ang pondo at mga programa sa mga hakbang na tunay na nagtataguyod ng katarungan, partisipasyon ng mamamayan, at inklusibong kaunlaran—bilang pundasyon ng isang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.

 

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 21,399 total reads

 21,399 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 42,329 total reads

 42,329 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 81,857 total reads

 81,857 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 115,985 total reads

 115,985 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 172,390 total reads

 172,390 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 21,400 total reads

 21,400 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top