Diwa ng Pasko pinatingkad ng tulong sa mga pasyente at kawani ng PGH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,221 total reads

Binigyang-diin ni University of the Philippines–Philippine General Hospital (UP-PGH) Head Chaplain Fr. Marlito Ocon, SJ, ang tunay na diwa ng pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon sa pamamagitan ng konkretong pagbabahagi ng tulong at biyaya sa mga pasyente at kawani ng ospital na higit na nangangailangan.

Ayon kay Fr. Ocon, higit na pinagpapala ang nagbibigay kaysa tumatanggap, at ang tunay na kagalakan ng Pasko ay hindi nasusukat sa mga regalong binubuksan, kundi sa pagmamahal at pag-asang ibinabahagi sa kapwa, lalo na sa mga nangangailangan ng pag-aaruga at malasakit.

“May our joy be found not in what we unwrap, but in what we share—especially with our brothers and sisters who need love, care, and hope the most,” pahayag ni Fr. Ocon.

Ibinahagi ng pari na natapos na ang pamamahagi ng tulong sa mga charity patients ng PGH. Dahil sa patuloy na pagdating ng mga donasyon, pinalawak pa ang pamaskong handog na grocery at noche buena gift packs para sa humigit-kumulang 280 security guards at mahigit 600 outsourced janitors at utility workers na nasa job order status.

Nakatanggap din ng pamaskong biyaya ang ilang ground maintenance personnel, mga hardinero, parking attendants, at iba pang contractual workers sa loob ng UP Manila campus.

Nagpasalamat si Fr. Ocon sa mga kaibigan at donors na nagpaabot ng tulong, at iginiit na dahil sa kanilang bukas-palad na puso ay lalong nagningning ang liwanag ng Pasko para sa mga higit na nangangailangan.

Dalangin ng pari na nawa’y maging masaya at mapagpala ang Pasko ng lahat, at patuloy na puspusin ng pagpapala ng Diyos ang mga tumulong at nagbahagi ng biyaya sa kapwa.

“You made the light of Christmas shine all the more brightly to our brothers and sisters who needed it the most. God’s blessing be upon you always,” saad ni Fr. Ocon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,125 total reads

 43,125 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,177 total reads

 93,177 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,048 total reads

 141,048 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 244,997 total reads

 244,997 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 328,898 total reads

 328,898 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,304 total reads

 166,304 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top