Pagkakaisa at Pagtutulungan para sa Catanduanes, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 70,576 total reads

Nanawagan ng pagkakaisa, bukas na dayalogo, at agarang pagtutulungan ang Obispo ng Diyosesis ng Virac sa Catanduanes bilang tugon sa patuloy na mga hamong kinakaharap ng lalawigan, lalo na sa usapin ng rehabilitasyon matapos ang sunod-sunod na mapaminsalang bagyo.

Sa kanyang mensahe ngayong Pasko, hinimok ni Virac Bishop Luisito Occiano ang mga pinuno at stakeholder ng lalawigan na piliin ang pagkakaisa kaysa pagkakahati, at kapayapaan kaysa alitan, kasabay ng paalala na ang Pasko ay panahon ng pagdating ng Diyos bilang Prinsipe ng Kapayapaan.

Ayon sa obispo, matagal nang pasan ng Catanduanes ang bigat ng mga kalamidad, mabagal na pagbangon, at araw-araw na paghihirap ng mga mamamayan. Binigyang-diin niya na ang bawat hindi nalulutas na sigalot at naantalang desisyon ay may direktang epekto sa mga pamilyang naghahangad lamang ng tulong, katatagan, at pag-asa.

“As we journey through this Christmas season—a time when God comes among us as the Prince of Peace—we humbly appeal to all leaders and stakeholders in Catanduanes to choose unity over division and peace over conflict. This is not the time for discord or prolonged disagreement,” bahagi ng mensahe ni Bishop Occiano.

Tinukoy rin ng obispo ang usapin ng paglalabas ng Quick Response Funds (QRF) para sa mga biktima ng bagyo bilang isa lamang sa maraming mahahalagang isyung nangangailangan ng kooperasyon ng lahat. Aniya, marami pang mga proyekto at pagkakataon sa hinaharap ang mangangailangan ng sama-samang pagkilos at bukas na pag-uusap.

Dahil dito, nanawagan si Bishop Occiano sa lahat ng kinauukulan na isantabi ang personal at pulitikal na pagkakaiba, makipagdayalogo nang may paggalang at katapatan, at kumilos nang may agarang malasakit para sa kabutihang panlahat—lalo na para sa mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

“The issue on the release of the Quick Response Funds intended for typhoon victims is only one concern, but more opportunities and projects in the future will require cooperation,” dagdag ng obispo.

Ipinaliwanag din ni Bishop Occiano na ang pagkakaisa ay hindi nangangahulugang pagkakapare-pareho, at ang kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng ingay o sigalot. Sa halip, aniya, ito ay bunga ng pakikinig, paggalang, at pagpaprayoridad sa kapakanan ng mamamayan.

Giit ng obispo, ang pampublikong paglilingkod ay isang banal na pananagutan kung saan dapat mangibabaw ang pangangalaga sa buhay, paggalang sa dignidad ng tao, at pagtataguyod ng pagkakaisa.

“Unity does not mean uniformity, and peace does not mean silence. Rather, both are born when leaders listen to one another and place the welfare of the people above all else. The people of Catanduanes deserve leadership that heals rather than divides,” ayon pa kay Bishop Occiano.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, ipinanalangin ng obispo na nawa’y palambutin ng panahon ng Pasko ang mga puso, linawin ang mga hangarin, at gawing kasangkapan ng kapayapaan ang bawat isa para sa ikabubuti ng lalawigan at ng sambayanan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 24,463 total reads

 24,463 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 46,744 total reads

 46,744 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 86,068 total reads

 86,068 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 120,196 total reads

 120,196 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 176,602 total reads

 176,602 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 24,464 total reads

 24,464 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top