Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pasko , panahon ng pakikipagkasundo at pagbabalik-loob

SHARE THE TRUTH

 77,395 total views

Hinikayat ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga mananampalataya na gawing panahon ng pagkakasundo, kapatawaran, at pagbabalik-loob ang pagdiriwang ng Pasko.
Ito ang bahagi ng mensahe ng Obispo kasabay ng paalala na ang pagsilang ni Hesukristo ay tanda ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

Sa kanyang pastoral na mensahe para sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon ay binigyang-diin ni Bishop Bagaforo na sa kapanganakan ng Anak ng Diyos, ang Diyos mismo ang lumalapit sa bawat isa upang paghilumin ang nasira ng kasalanan at ibalik ang ugnayan ng tao sa Panginoon.

Ayon sa Obispo, ang Batang isinilang sa Bethlehem ay malinaw na tanda ng hangarin ng Ama na ibalik ang nasirang ugnayan ng sangkatauhan sa Diyos.

“I extend my pastoral greetings to all of you as we celebrate the Nativity of our Lord Jesus Christ. At Christmas, we rejoice in the mystery of God’s immeasurable love, for in the birth of His son, God comes to dwell among us in order to reconcile the world to Himself. The Child born in Bethlehem is the visible sign of the Father’s desire to restore what has been broken by sin. Through Jesus Christ, God invites humanity to return to Him. Christmas, therefore, is not only a season of joy and celebration, but also a sacred time of reconciliation and forgiveness.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Binigyang diin din ng Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Inter-religious Dialogue na ang Pasko ay hindi lamang panahon ng kasiyahan kundi banal na panahon ng pagkakasundo at kapatawaran.

Tinukoy rin ni Bishop Bagaforo ang mga sugat na dulot ng pagkakahati-hati sa mga pamilya, komunidad, at maging sa bansa.
Ayon sa Obispo, ang Panginoong dumarating bilang Prinsipe ng Kapayapaan ang tumatawag sa bawat isa na magsimula ng paghihilom sa pamamagitan ng pagpapatawad, pagpapakumbaba, at pagpili ng diyalogo at malasakit kaysa galit at hidwaan.

“In our families, in our communities, and even in our nation, we experience divisions that wound relationships and weaken unity. The Lord who comes to us as Prince of Peace calls us to take the first step toward healing. He asks us to forgive one another, to set aside pride and resentment, and to choose dialogue, understanding, and compassion over anger and division.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Bilang pastol ng Diyosesis ng Kidapawan, taimtim din na hinimok ni Bishop Bagaforo ang lahat na isulong ang pagkakasundo sa loob ng pamilya, sa pagitan ng magkakaibigan, at maging sa mga taong may magkakaibang paninindigan at paniniwala.

Inanyayahan din ni Bishop Bagaforo ang mga mananampalataya na makipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ng taos-pusong pagsisisi at pagtanggap ng biyaya ng Sakramento ng Kumpisal, kung saan lubos na ibinubuhos ang awa ng Ama.

“As your bishop in the Diocese of Kidapawan, I earnestly encourage everyone to make reconciliation among family members, among friends, and among those who differ in opinions and convictions. Above all, I invite you to seek reconciliation with God, especially through sincere repentance and the grace of the Sacrament of Reconciliation, where the mercy of the Father is abundantly poured out.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Ipinapanalangin naman ni Bishop Bagaforo na nawa’y pagpanibaguhin ng kapanganakan ng Panginoon ang pananampalataya ng lahat, paghilumin ang mga sugat ng puso, at patatagin ang paninindigan ng bawat isa na maging kasangkapan ng pagkakasundo at kapayapaan sa sanlibutan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disiplina sa Kongreso

 392 total views

 392 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

ISANG MILYONG PISO KADA ARAW

 77,549 total views

 77,549 total views Kapanalig, ang masakit na katotohanan… ang isang karaniwang manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay sumasahod lamang ng 695-pesos kada araw at mababa

Read More »

BAD ECONOMICS

 98,454 total views

 98,454 total views Kapanalig, (9) na taon ng patuloy sa pagbagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Kapag bagsak ang ekonomiya, dumarami ang naghihikahos na mga Pilipino, maraming

Read More »

Nasasayang na oras

 101,618 total views

 101,618 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 119,931 total views

 119,931 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Program Paghilom nagpapasalamat sa Senado

 25,107 total views

 25,107 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Program Paghilom sa ilalim ng Arnold Janssen Kalinga Foundation sa suporta ng Senado sa pagbubukas ng “Lakbay

Read More »
Scroll to Top