Pasko, panahon ng pakikipagkasundo at pagbabalik-loob

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 98,627 total views

Hinikayat ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga mananampalataya na gawing panahon ng pagkakasundo, kapatawaran, at pagbabalik-loob ang pagdiriwang ng Pasko.
Ito ang bahagi ng mensahe ng Obispo kasabay ng paalala na ang pagsilang ni Hesukristo ay tanda ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

Sa kanyang pastoral na mensahe para sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon ay binigyang-diin ni Bishop Bagaforo na sa kapanganakan ng Anak ng Diyos, ang Diyos mismo ang lumalapit sa bawat isa upang paghilumin ang nasira ng kasalanan at ibalik ang ugnayan ng tao sa Panginoon.

Ayon sa Obispo, ang Batang isinilang sa Bethlehem ay malinaw na tanda ng hangarin ng Ama na ibalik ang nasirang ugnayan ng sangkatauhan sa Diyos.

“I extend my pastoral greetings to all of you as we celebrate the Nativity of our Lord Jesus Christ. At Christmas, we rejoice in the mystery of God’s immeasurable love, for in the birth of His son, God comes to dwell among us in order to reconcile the world to Himself. The Child born in Bethlehem is the visible sign of the Father’s desire to restore what has been broken by sin. Through Jesus Christ, God invites humanity to return to Him. Christmas, therefore, is not only a season of joy and celebration, but also a sacred time of reconciliation and forgiveness.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Binigyang diin din ng Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Inter-religious Dialogue na ang Pasko ay hindi lamang panahon ng kasiyahan kundi banal na panahon ng pagkakasundo at kapatawaran.

Tinukoy rin ni Bishop Bagaforo ang mga sugat na dulot ng pagkakahati-hati sa mga pamilya, komunidad, at maging sa bansa.
Ayon sa Obispo, ang Panginoong dumarating bilang Prinsipe ng Kapayapaan ang tumatawag sa bawat isa na magsimula ng paghihilom sa pamamagitan ng pagpapatawad, pagpapakumbaba, at pagpili ng diyalogo at malasakit kaysa galit at hidwaan.

“In our families, in our communities, and even in our nation, we experience divisions that wound relationships and weaken unity. The Lord who comes to us as Prince of Peace calls us to take the first step toward healing. He asks us to forgive one another, to set aside pride and resentment, and to choose dialogue, understanding, and compassion over anger and division.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Bilang pastol ng Diyosesis ng Kidapawan, taimtim din na hinimok ni Bishop Bagaforo ang lahat na isulong ang pagkakasundo sa loob ng pamilya, sa pagitan ng magkakaibigan, at maging sa mga taong may magkakaibang paninindigan at paniniwala.

Inanyayahan din ni Bishop Bagaforo ang mga mananampalataya na makipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ng taos-pusong pagsisisi at pagtanggap ng biyaya ng Sakramento ng Kumpisal, kung saan lubos na ibinubuhos ang awa ng Ama.

“As your bishop in the Diocese of Kidapawan, I earnestly encourage everyone to make reconciliation among family members, among friends, and among those who differ in opinions and convictions. Above all, I invite you to seek reconciliation with God, especially through sincere repentance and the grace of the Sacrament of Reconciliation, where the mercy of the Father is abundantly poured out.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Ipinapanalangin naman ni Bishop Bagaforo na nawa’y pagpanibaguhin ng kapanganakan ng Panginoon ang pananampalataya ng lahat, paghilumin ang mga sugat ng puso, at patatagin ang paninindigan ng bawat isa na maging kasangkapan ng pagkakasundo at kapayapaan sa sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,460 total views

 49,460 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,329 total views

 45,329 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,531 total views

 81,531 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,188 total views

 90,188 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,328 total views

 115,328 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top