“Christmas is not just the birth of Christ; it is the birth of hope-“ Bp. Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,289 total reads

Inihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na si Hesukristo ang tunay at bukal na pag-asa ng sanlibutan, lalo na sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap ng tao sa kasalukuyan.

Ito ang binigyang-diin ng obispo sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ng Panginoon, kung saan pinaalalahanan niya ang mananampalataya na ang Pasko ay hindi lamang panahon ng palitan ng regalo, makukulay na dekorasyon, at mga materyal na pagdiriwang, kundi ang pagsilang ng liwanag ng pag-asa para sa bawat isa.

“Christmas is not just the birth of Christ; it is the birth of hope. It is a time of profound hope—a hope that is not fleeting, but eternal. A hope that is found in Christ, who was born in Bethlehem to bring light into our darkness,” bahagi ng mensahe ni Bishop Santos.

Ipinaliwanag ng obispo na ang Pasko ay isang pilgrimage of hope, isang paglalakbay na hindi nasusukat sa layo o tagal, kundi sa lalim ng pananampalatayang gumagabay sa tao patungo sa landas ni Hesus.

Dagdag pa ng obispo, ang tunay na pag-asa ay bukod-tanging kay Hesukristo lamang matatagpuan sapagkat Siya ang isinugo ng Diyos Ama upang iligtas ang sanlibutan.

“True hope is not found in human promises, but in the love of Christ. He alone is our Savior, the one who never fails us. True hope is not found in possessions or status, but in Christ alone,” ayon pa sa obispo.

Ayon kay Bishop Santos, ang pangako ng kaligtasan at buhay na walang hanggan ang siyang nagbibigay-lakas at pag-asa sa tao upang mapagtagumpayan ang anumang pagsubok sa buhay.
Binigyang-diin din ng obispo na ang mga materyal na bagay ay lumilipas, subalit ang Krus ni Hesus ay nananatili magpakailanman, at iginiit na ang tunay na kayamanan ay matatagpuan sa diwa ng pag-ibig, habag, at katarungan, mga halagang higit na naglalapit sa tao sa Diyos.

“Let us fix our eyes on Jesus—the child in the manger, the Savior on the Cross, the Lord who prepares a place for us in heaven,” giit ni Bishop Santos.

Sa huli, idinalangin ng obispo na nawa’y pagpanibaguhin ng panahon ng Pasko ang pananampalataya ng bawat isa, palalimin ang pagmamahal, at patibayin ang pag-asa kay Kristo, at nawa’y gabayan ng liwanag ng Pasko ang paglalakbay ng pag-asa ng sambayanan hanggang sa marating ang kanilang tunay na tahanan sa langit.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,584 total reads

 13,584 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,700 total reads

 14,700 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 30,002 total reads

 30,002 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,379 total reads

 67,379 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,649 total reads

 98,649 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,987 total reads

 173,987 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,763 total reads

 266,763 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,585 total reads

 13,585 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top