Pasko, panahon ng pakikipagkasundo at pagbabalik-loob

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 98,957 total reads

Hinikayat ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga mananampalataya na gawing panahon ng pagkakasundo, kapatawaran, at pagbabalik-loob ang pagdiriwang ng Pasko.
Ito ang bahagi ng mensahe ng Obispo kasabay ng paalala na ang pagsilang ni Hesukristo ay tanda ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

Sa kanyang pastoral na mensahe para sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon ay binigyang-diin ni Bishop Bagaforo na sa kapanganakan ng Anak ng Diyos, ang Diyos mismo ang lumalapit sa bawat isa upang paghilumin ang nasira ng kasalanan at ibalik ang ugnayan ng tao sa Panginoon.

Ayon sa Obispo, ang Batang isinilang sa Bethlehem ay malinaw na tanda ng hangarin ng Ama na ibalik ang nasirang ugnayan ng sangkatauhan sa Diyos.

“I extend my pastoral greetings to all of you as we celebrate the Nativity of our Lord Jesus Christ. At Christmas, we rejoice in the mystery of God’s immeasurable love, for in the birth of His son, God comes to dwell among us in order to reconcile the world to Himself. The Child born in Bethlehem is the visible sign of the Father’s desire to restore what has been broken by sin. Through Jesus Christ, God invites humanity to return to Him. Christmas, therefore, is not only a season of joy and celebration, but also a sacred time of reconciliation and forgiveness.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Binigyang diin din ng Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Inter-religious Dialogue na ang Pasko ay hindi lamang panahon ng kasiyahan kundi banal na panahon ng pagkakasundo at kapatawaran.

Tinukoy rin ni Bishop Bagaforo ang mga sugat na dulot ng pagkakahati-hati sa mga pamilya, komunidad, at maging sa bansa.
Ayon sa Obispo, ang Panginoong dumarating bilang Prinsipe ng Kapayapaan ang tumatawag sa bawat isa na magsimula ng paghihilom sa pamamagitan ng pagpapatawad, pagpapakumbaba, at pagpili ng diyalogo at malasakit kaysa galit at hidwaan.

“In our families, in our communities, and even in our nation, we experience divisions that wound relationships and weaken unity. The Lord who comes to us as Prince of Peace calls us to take the first step toward healing. He asks us to forgive one another, to set aside pride and resentment, and to choose dialogue, understanding, and compassion over anger and division.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Bilang pastol ng Diyosesis ng Kidapawan, taimtim din na hinimok ni Bishop Bagaforo ang lahat na isulong ang pagkakasundo sa loob ng pamilya, sa pagitan ng magkakaibigan, at maging sa mga taong may magkakaibang paninindigan at paniniwala.

Inanyayahan din ni Bishop Bagaforo ang mga mananampalataya na makipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ng taos-pusong pagsisisi at pagtanggap ng biyaya ng Sakramento ng Kumpisal, kung saan lubos na ibinubuhos ang awa ng Ama.

“As your bishop in the Diocese of Kidapawan, I earnestly encourage everyone to make reconciliation among family members, among friends, and among those who differ in opinions and convictions. Above all, I invite you to seek reconciliation with God, especially through sincere repentance and the grace of the Sacrament of Reconciliation, where the mercy of the Father is abundantly poured out.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Ipinapanalangin naman ni Bishop Bagaforo na nawa’y pagpanibaguhin ng kapanganakan ng Panginoon ang pananampalataya ng lahat, paghilumin ang mga sugat ng puso, at patatagin ang paninindigan ng bawat isa na maging kasangkapan ng pagkakasundo at kapayapaan sa sanlibutan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 21,370 total reads

 21,370 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 42,247 total reads

 42,247 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 81,779 total reads

 81,779 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 115,907 total reads

 115,907 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 172,312 total reads

 172,312 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 21,371 total reads

 21,371 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top