Pagbabago sa Traslacion 2027, inaasahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 79,650 total views

Tiniyak ng pamunuan ng Quiapo Church ang pagkakaroon muli ng pagbabago sa gagawing pagdiriwang ng Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno para sa susunod na taon na pagdiriwang.

Ayon kay Fr. Robert Arellano, LRMS-tagapagsalita ng Traslacion 2027 ang pagbabago ay nakabase na rin sa naging karanasan ngayon pista ng Nazareno.

“We we’re going to have immediate evaluation. Sabi nga natin, sa bawat taon ito ay bagong karanasan, bawat taon tayo ay natututo. Kaya ngayon pa lamang ‘yong mga karanasan ngayon ito ay ating nire-record para maging instrumento para sa mga darating na taon ng pagdiriwang,” ayon sa pahayag ni Fr. Arellano.

Ang pahayag ay kaugnay na rin sa haba ng itinagal nang prusisyon, gayundin ang ulat na marami ang nasaktan at nasugatan. Sa kabuuan apat katao ang nasawi sa pagdiriwang-bagama’t ang pagkasawi ng photographer na si Itoh Son ay walang direktang kaugnayan sa prusisyon.

Pagkaka-antala ng prusisyon

Binanggit ng pari, na ilan sa pangunahing dahilan ng pagkakaantala ng prusisyon ay dahil sa panghaharang at pag-akyat sa andas ng mga deboto sa kabila ng una ng pagbabawal.

“Sa pagkakataong ito, despite sa panawagan ng Simbahang Katoliko at sa social media …na bawal ang pagsampa (andas) yet, may mga deboto pa rin tayo na hindi sumunod sa ating panawagan. Ito rin po ay isa sa nakahadlang sa bilis ng traslacion,” ayon kay Fr. Arellano.

Gayunman, sinabi ng pari na sa kabuuan ay wala namang naitalang krimen sa naging pagdiriwang ng Traslacion.

“Generally, we have a zero-crime rate. Wala tayong naiulat nak rime. Maaring may mga konting pagtutulakan pero ito ay normal na kapag isinagawa ang traslacion, pero ang krimen wala po tayong reported incident,” ayon pa sa pari.

Paalala ng simbahan

Samantala, ipinaalala ng Simbahang Katolika na ang biyaya ng Diyos ay hindi nasusukat sa tindi ng pisikal na sakripisyo o sa haba ng prusisyon.

Ito ang pagninilay ni Fr. Jerome Secillano ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay ng Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno 2026 na umabot sa 30-oras.

Ayon kay Fr. Secillano, mahalagang maunawaan ng mga deboto ang malinaw na pagkakaiba ng tunay na debosyon at ng panatismo, lalo na sa mga nagaganap tuwing Traslacion sa Quiapo.

Bagama’t kinilala niya ang taimtim na pananampalataya ng mga Pilipino kay Hesus Nazareno, binigyang-diin niya na kailangang samahan ito ng pag-iingat, katwiran, at kabanalan upang hindi mauwi sa labis na pagkahumaling na maaaring magdulot ng panganib.

“It’s good to see people exuding religious fervor as far devotion to Jesus the Nazarene is concerned, even if it is in a manner only they can understand, but there should be a great deal of rationality and solemnity in doing so lest it gives the devotion a semblance of religious fanaticism,” ayon kay Fr. Secillano

Dagdag pa ng pari, “This year, they showed that one’s desire can be an overwhelming force that can trump down even the most rational among us. I hope that one day all will realize that God’s generosity is not dependent on how feverishly we have expressed our faith,” ayon kay Fr. Secillano.

Sa huli, ipinaalala ni Fr. Secillano sa mga deboto na ang kabutihang-loob ng Diyos ay nasusukat sa taos-pusong pamumuhay at makataong pagsasabuhay ng pananampalataya, hindi sa tindi ng ipinapakitang debosyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 20,153 total views

 20,153 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 70,167 total views

 70,167 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 66,036 total views

 66,036 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 101,963 total views

 101,963 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 109,544 total views

 109,544 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top