Pagguho ng Binaliw landfill na ikinamatay ng 8-mangggagawa, kinundena ng CWS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 70,858 total reads

Mariing kinondena ng Church People Workers Solidarity (CWS) ang pagguho ng Binaliw Landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City na ikinasawi ng walong manggagawa, at nag-iwan ng hindi bababa sa tatlumpu’t apat na nawawala at iba pang sugatang indibidwal.

Sa solidarity statement na nilagdaan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza,chairperson ng CWS, iginiit ng grupo na ang trahedya ay hindi maaaring ituring na simpleng aksidente kundi isang krimeng nag-ugat sa kasakiman, kapabayaan, at sistematikong paglabag sa karapatan ng mga manggagawa.

Binatikos din ni Bishop Alminaza na siya ring chairman ng Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang kalagayan ng mga manggagawa na napipilitang magtrabaho sa mapanganib at hindi makataong kalagayan.

Iginiit ng Obispo, kapag ang kaligtasan ay isinasakripisyo para sa tubo o kita sa negosyo at ang kapabayaan ay nauuwi sa kamatayan, ang paggawa ay nagiging anyo ng pagsasamantala.

“What is being portrayed as an “accident” is, in truth, a crime born of greed, neglect, and the systematic violation of workers’ rights. We express our deepest solidarity with the families of the victims and stand firmly with Filipino workers in their struggle for justice and accountability. Those who perished were only trying to earn an honest living. They were compelled to work under dangerous and inhumane conditions—conditions that should never have been allowed and that ultimately cost them their lives.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Nanawagan naman si Bishop Alminaza ng agarang, masinsin, at transparent na imbestigasyon sa insidente at hiniling na papanagutin ang Prime Waste Solutions na kasalukuyang operator ng landfill, kung mapapatunayang lumabag ito sa Occupational Safety and Health (OSH) Law at iba pang kaugnay na regulasyon sa kaligtasan ng mga manggagawa.

“We demand an immediate, thorough, and transparent investigation into the collapse of the Binaliw Landfill. We further demand that Prime Waste Solutions, owned by the Razon family and the current operator of the landfill, be investigated for possible violations of the OSH Law and other relevant regulations and be penalized to the fullest extent of the law if found culpable.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Iginiit din ng Obispo ang agarang pangangailangan na maamyendahan ang Republic Act No. 11058 upang gawing kriminal ang sadyang hindi pagsunod sa mga pamantayan sa kaligtasan sa trabaho.
Ayon kay Bishop Alminaza, “This incident once again underscores the urgent need to amend Republic Act No. 11058, the Occupational Safety and Health Law, to criminalize non-compliance with OSH standards. Without real penalties and criminal liability, employers will continue to disregard safety regulations—and workers will continue to die.”

Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza na ang naganap na trahedya sa Binaliw Landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City ay hindi dapat mauwi lamang sa estadistika o mga numero o kaya naman ay matabunan ng mga opisyal na paliwanag sa halip ay dapat na magsilbing panawagan sa pananagutan at reporma sa kahalagahan ng pagtiyak ng kaligtasan ng mga manggagawa sa sektor ng paggawa.

“We refuse to allow this tragedy to be reduced to a statistic or buried under official excuses. We call on the government to act decisively—to hold the guilty accountable, to protect workers’ lives, and to ensure safe, humane, and dignified working conditions for all.” Panawagan ni Bishop Alminaza.

Paliwanag ng Obispo nasasaad sa panlipunang turo ng Simbahan na ang sektor ng paggawa ay sagrado dahil ang buhay ng bawat manggagawa ay sagrado kung saan ayon sa mga aral ni St. John Paul II sa Laborem Exercens, ang trabaho ay umiiral para sa tao at hindi ang tao para sa trabaho.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 42,561 total reads

 42,561 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 127,925 total reads

 127,925 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 174,662 total reads

 174,662 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 222,534 total reads

 222,534 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 324,532 total reads

 324,532 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top