Paigtingin ang pagbabantay laban sa mapinsalang pagmimina, panawagan ni Bishop Mangalinao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,053 total views

Hinimok ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang mga nagbabarikada laban sa pagmimina na iangat sa Panginoon ang kanilang patuloy na pakikibaka, kasabay ng panawagang manatiling matatag sa pagtatanggol sa buhay, lupa, at kapayapaan ng kanilang pamayanan.

Ito’y matapos pangunahan ni Bishop Mangalinao ang pagdiriwang ng Banal na Misa kasama ang mga pari, relihiyoso, at mga anti-mining defender sa Barangay Bitnong, Dupax del Norte noong January 12, 2026, sa gitna ng nagpapatuloy na pagtutol ng mga residente sa mining exploration sa lugar.

Binigyang-diin ni Bishop Mangalinao sa kanyang pagninilay ang kahalagahan ng mas pinaigting na pagbabantay sa barikada upang mapigilan ang pagpasok ng mga kawani ng Woggle Corporation–ang kumpanyang nagsasagawa ng exploration.

Itaas po natin ang ating pagbabantay, itaas natin ang ating barikada. Itinataas natin ito sa pamamagitan ng pagtanggap natin kay Kristo. Itong ipinagtatanggol natin, isama natin si Lord—hindi po tayo nag-iisa,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Aminado ang obispo na maaaring maging mahaba at mahirap ang proseso ng pakikipaglaban, subalit nananatili ang pag-asa na sa huli ay mananaig ang kabutihan at katarungan ng Diyos.

“Maaaring matagalan sa ating kalendaryo, pero sa Kanya, ang nararapat, ang tama, ang buhay, mangyayari at mangyayari sa Kanyang kapangyarihan,” dagdag ni Bishop Mangalinao.

Ang pagdiriwang ng Eukaristiya ay malinaw na pagpapahayag ng patuloy na suporta ng Diyosesis ng Bayombong sa mga apektadong mamamayan at ng mariing pagtutol ng Simbahan sa kasalukuyang mining exploration sa Dupax del Norte.

Nagpasalamat naman ang mga anti-mining defender sa mga religious group sapagkat ang Simbahan na lamang ang nagsisilbi nilang kanlungan at katuwang sa pagtatanggol sa kalikasan at sa kanilang karapatan.

Matatandaang noong December 10, 2025, nabigong ipatupad ang Writ of Preliminary Injunction na inilabas ng Regional Trial Court Branch 30 laban sa mga nagbabarikada sa Sitio Keon, Barangay Bitnong, dahil sa mga kakulangan sa kautusan.

Inaasahan naman ngayong Martes, January 13, na muling susubukang ipatupad ang nasabing Writ of Preliminary Injunction laban sa barikada sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 19,125 total views

 19,125 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 69,139 total views

 69,139 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 65,008 total views

 65,008 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 100,979 total views

 100,979 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,644 total views

 108,644 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top