Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 62,516 total reads

Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang dekada, sa gitna ng patuloy na krisis sa kalikasan, kahirapan, at pamamahala sa bansa.

Ito ang naging diwa ng Hayuma: Mending the Broken, isang tatlong araw na church-led conference na ginaganap sa University of Santo Tomas mula January 14 hanggang 16, 2026, na dinaluhan ng mga obispo, pari, madre, at layko mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ayon kay Fr. Angel Cortez, Executive Secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) at National Coordinator ng CMSP-Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (JPICC), ang Hayuma ay isang sandali ng sama-samang pagninilay at pananagutan ng Simbahan.

“Pagkatapos ng sampung taon, kailangang tanungin: ano na ang nagawa natin? Ano pa ang dapat gawin ng taong-simbahan? Ano ang dapat gawin ng Simbahan?” ayon kay Fr. Cortez sa panayam ng Radyo Veritas.

Pinangunahan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, pangulo ng Caritas Philippines, ang pagtitipon na layong palakasin ang sama-samang pagkilos ng Simbahan at mga katuwang nito sa pagtugon sa magkakaugnay na krisis sa ekolohiya, ekonomiya, at pamamahala.

Binigyang-diin ni Fr. Cortez na ang pagtitipon ay hindi lamang para sa diskurso kundi para sa kongkretong pagtugon sa panawagan ng lipunan.

“Naririto ang CBCP, ang CMSP, ang mga madre, pari, at iba’t ibang organisasyon upang gabayan tayo sa pagninilay, sa pagtingin, at higit sa lahat, sa pagtugon sa panawagan ng ating lipunan,” pagbabahagi ng pari.

Nakaugat ang Hayuma sa paninindigan ng Simbahan sa integral ecology, na pinalakas ng Asilo Conference noong 2015 at ng mga pastoral letter at direktiba ng CBCP na humihikayat ng ecological conversion, makatarungang ekonomiya, at aktibong pakikilahok ng mga komunidad.

Para kay Fr. Cortez, ang lakas ng Simbahan ay nasa kolektibong pagkilos ng mga tao.

“Bilang totoong Simbahan—ang mga tao—may kapangyarihan tayong baguhin ang lipunan sa pamamagitan ng tuwirang pakikisangkot at pag-aalay ng ating sarili,” saad ni Fr. Cortez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,435 total reads

 45,435 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,800 total reads

 130,800 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,536 total reads

 177,536 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 225,408 total reads

 225,408 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 327,258 total reads

 327,258 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,440 total reads

 169,440 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top