Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 286,555 total reads

Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang kanilang komunidad laban sa pagmimina?

Agosto noong nakaraang taon nang bigyan ng Mines and Geosciences Bureau ng DENR ang Woggle Corporation ng exploration permit sa naturang bayan. Mahigit tatlong libong ektarya ng lupain ang sakop ng permit. Agad umaksyon ang mga residente. Nagtayo sila ng mga barikada. Wala raw isinagawang konsultasyon sa kanila kaugnay ng mining exploration. Wala ring written consent na hiningi mula sa mga residente at may-ari ng mga maaapektuhang pribadong lupa. Nababahala rin sila, kasama ng ilang grupo at Simbahan, sa mga bantang dala ng pagmimina sa kalikasan at sa kalusugan at kabuhayan ng mga tao.

Patuloy na tumataas ang tensyon sa Dupax del Norte nitong mga nakaraang linggo matapos mag-isyu ng writ of preliminary injuction ang Bambang Nueva Vizcaya Regional Trial Court Branch 30. Ipinag-utos ng korte na tanggalin ng mga residente ang kanilang barikada sa Keon Road, isang kalye sa Barangay Bitnog na dinadaanan papunta sa mining exploration site.

Para kay Bishop Elmer Mangalinao ng Diyosesis ng Bayombong, lubhang nakalulungkot at nakaaalarma ang naging desisyon ng korte, hindi lamang para sa mga residente ng komunidad, ngunit maging sa lahat ng naninindigan para sa buhay, lupa, at kalikasan sa Nueva Vizcaya. May nabalitaan na rin ang diyosesis na mga insidente ng pang-aabuso at pananakot sa mga residenteng mapayapang lumalaban para sa kanilang mga karapatan.

Dahil rito, umaapela si Bishop Mangalinao sa mga lokal na opisyal ng Nueva Vizcaya na mag-issue ng cease and desist order laban sa exploration activities ng Woggle Corporation. Mabibigyan daw ito ng pagkakataon ang mga awtoridad na imbestigahan ang sinasabing mga pang-aabuso sa karapatang pantao. Panahon din ito para pigilan ang pagsira sa kalikasan ng probinsya. Binigyang-diin ng obispo ang pangunahing tungkulin ng mga lokal na opisyal na protektahan ang kanilang mga nasasakupan.

Samantala, nanawagan naman si Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima sa kapwa niya mga kongresista na magsagawa ng isang congressional investigation kaugnay ng isyu. Bilang bahagi ng oversight function ng Kongreso, mahalaga raw malaman kung sumunod sa batas ang korporasyon sa mga ginagawa nila sa Nueva Vizcaya at kung may mga ahensyang dapat managot sa isyu. Ayon pa sa mambabatas, “walang kita o sinasabing pag-unlad ang makatutumbas sa buhay at ikinabubuhay ng mga apektadong komunidad na nalalagay sa peligro dahil sa… pagmimina.”
Katulad ng sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan, hindi maituturing na tunay ang kaunlaran kung may mga isinasantabi. Iginagalang at itinataguyod ng tunay na kaunlaran ang kabutihan at kaganapan ng bawat nilikha. Kaya naman, anumang proyekto o gawaing yumuyurak sa dignidad ng mga nilikha—tao man o kalikasan—ay bahagi ng huwad na kaunlaran. Walang katumbas na pera ang maaaring pumantay sa dignidad ng tao at sangnilikha.

Ang pagsasantabi sa mga tao at ang pagsira sa kalikasan ay paglapastangan sa “napakabuting” nilikha ng Diyos, ayon nga sa Genesis 1:31. Kung pagmamasdan kaya ng Diyos ang kalagayan ng lahat ng Kanyang nilikha, matutuwa kaya Siya? Kung makikita Niya ang nangyayari sa Nueva Vizcaya—at sa marami pang lugar na itinataboy ang mga tao sa ngalan ng kita—masasabi pa rin kaya Niyang napakabuti ng Kanyang mga nilikha?

Mga Kapanalig, hindi pa huli ang lahat para sa mga kababayan natin sa Duplax del Norte. Patuloy silang tumitindig para sa kanilang mga karapatan at pinoprotektahan ang likas na yaman ng kanilang bayan. Samahan natin sila sa kanilang mga panawagan. Tayong lahat ay may pananagutang isulong ang isang tunay na kaunlaran saan mang bahagi ng Pilipinas.

Sumainyo ang katotohanan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 13,373 total reads

 13,373 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 29,026 total reads

 29,026 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 69,431 total reads

 69,431 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 103,558 total reads

 103,558 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 159,964 total reads

 159,964 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 29,027 total reads

 29,027 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 69,432 total reads

 69,432 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 103,559 total reads

 103,559 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 159,965 total reads

 159,965 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top