Tunay na kristiyano, sumusunod kay Kristo hindi sa pamantayan ng sanlibutan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,969 total reads

Iginiit ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, na ang pagiging tunay na Kristiyano ay nakaugat sa pagsunod sa karunungan ni Hesukristo at sa aral ng Simbahan, hindi sa pamantayan ng sanlibutan.

Ito ang binigyang-diin ng kinatawan ng Vatican sa isinagawang pontifical coronation sa imahen ng Nuestra Señora de los Angeles sa Pila-pila, Binangonan noong January 17 na isang natatanging pagdiriwang alinsunod sa pahintulot ng Santo Papa.

Ayon kay Archbishop Brown, malinaw ang hamon sa mga mananampalataya sa gitna ng patuloy na pag-usbong ng makabagong panahon.

“If we want to be Christians, if we want to be Catholics, we need to follow the wisdom of Christ, which is the wisdom of the Gospels, which is the teaching of the Church,” ayon kay Archbishop Brown.

Sa kanyang homiliya, pinagnilayan ni Archbishop Brown ang Ebanghelyo ayon kay San Lucas hinggil sa pagkawala at pagkakatagpo kina Maria at Jose kay Hesus sa templo.

Aniya, ipinakikita sa tagpong ito ang banal na karunungang taglay ni Kristo na dapat sundin ng mga Kristiyano sa halip na pairalin ang kultura ng pansariling interes at pag-aangat ng sarili.
“If we follow the wisdom of the world, which is a wisdom in which we try to make ourselves great at the expense of others, then we’re following the wisdom of the world. But if we’re Christians, we follow a different wisdom, the wisdom of Jesus,” dagdag ni Archbishop Brown.

Binigyang-linaw rin ng nuncio ang kahalagahan ng wastong debosyon kay Maria, lalo na sa konteksto ng kanyang koronasyon kung saan binigyang diin na higit ikinagagalak ng Mahal na Ina ang paggalang sa kanyang Anak.

“It makes Mary more happy for us to honor her son, the Santo Niño, than if we were giving all the honor to her, because Mary is a mother who points us to Jesus,” paliwanag ng opisyal ng Vatican.

Dagdag pa niya, tinatawag ang Birheng Maria bilang Seat of Wisdom sapagkat kay Hesus matatagpuan ang tunay na karunungan na ibinigay sa sangkatauhan sa pamamagitan ng kanyang Ina.
Samantala, sinabi ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, na ang paggawad ng pontifical coronation sa 133-taóng patrona ng Binangonan ay hindi lamang pagkilala sa matibay na debosyon ng sambayanan kundi isang hamon sa mas masigasig na misyon ng bawat binyagan.

“This coronation, granted by the Holy See, is not only an acknowledgment of the enduring devotion of our people; it is also a mission entrusted to us to proclaim the Gospel with renewed ardor,” ayon kay Bishop Santos.

Binanggit din ng obispo na ang pagputong ng korona sa imahen ng Nuestra Señora de los Angeles ay inaasahang magpapatibay pa sa mga gawaing kabanalan at magpapalalim ng pananampalataya ng mga deboto.

Nagpasalamat naman si Fr. Dan Christopher Magdagan, kura paroko ng Nuestra Señora de los Angeles Parish, kay Archbishop Brown sa pangunguna sa makasaysayang koronasyon, gayundin kay Bishop Santos, sa mga pari, at sa mga layko kabilang ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na tumulong sa paghahanda at pagsasakatuparan ng pagdiriwang.

Ang Nuestra Señora de los Angeles ang ika-siyam na Mrian image ng Diocese of Antipolo na ginawaran ng Coronación Pontificia, isang pagkilala ng santo papa sa imahen ng Mahal na Birhen na malaki ang naitutulong sa paglago ng pananampalataya sa pamamagitan ng debosyon.

Isinagawa ang pagdiriwang bilang pagpapahayag ng pasasalamat at pagmamahal ng sambayanan sa Mahal na Ina, kasabay ng panawagang manatiling nakasentro ang pananampalataya sa karunungan at aral ni Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 118,249 total reads

 118,249 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 151,578 total reads

 151,578 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 183,722 total reads

 183,722 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 249,784 total reads

 249,784 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 261,447 total reads

 261,447 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top