Pahalagahan ang biyaya ng binyag, panawagan ni Pope Leo XIV sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,458 total views

Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga mananampalataya na mas lalong pahalagahan ang biyaya ng binyag at isabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng paglilingkod, lalo na sa mga dukha at mahihinang sektor ng lipunan.

Ito ang mensahe ng santo papa bilang pakikiisa sa mga Pilipino at sa Augustinian Community ng Minor Basilica of Santo Niño sa Cebu, sa pagdiriwang ng kapistahan ng Santo Niño.

Ayon kay Pope Leo, ang kapistahan ay paanyaya upang muling pagnilayan ang kahulugan ng binyag bilang pundasyon ng pagkakakilanlan ng bawat Kristiyano.

“The sacramental grace of baptism… incorporates us into Christ, and thus makes us children of God and members of his Church,” ayon sa mensahe ni Pope Leo XIV.

Binigyang-diin ng punong pastol ng Simbahang Katolika na ang binyag ay isang pamumuhay na hinuhubog ng biyaya at malasakit sa kapwa.

“[Be inspired by] a greater desire to embrace the baptismal call to live a grace-filled life in Christ and in service to your brothers and sisters, especially those on the margins of society,” ayon pa sa Santo Papa.

Binigyang diin ni Pope Leo na ang ganitong uri ng pamumuhay ay konkretong pagsasabuhay sa panawagan ni Kristo para sa pagkakaisa at pag-ibig.

Ipinagkatiwala rin ng Santo Papa ang mga mananampalataya sa mapagkalingang pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria bilang Ina ng Simbahan.

“[Bear] greater witness to Christ’s call to unity and reflect the life of charity of the Most Holy Trinity… Commending you and all those present… to the loving intercession of the Blessed Virgin Mary, Mother of the Church,” ayon pa kay Pope Leo XIV.

Ipinagkaloob ni Pope Leo XIV ang kanyang Apostolic Blessing bilang tanda ng pag-asa at kagalakan sa Panginoon lalo na sa milyong-milyong deboto ng Batang Hesus na nakiisa sa pagdiriwang sa Cebu at sa lokal na simbahan ng Pilipinas.

Ang Kapistahan ng Santo Niño de Cebu ay isa sa pinakamalalaking debosyon sa bansa, na patuloy na nagpapaalala sa mga Pilipino ng kababaang-loob, pagtitiwala sa Diyos, at panawagang isabuhay ang pananampalataya sa gawa ng pag-ibig at paglilingkod.

Dinarayo ang pista ng Santo Niño ng milyong deboto mula sa iba’t ibang panig ng mundo gayundin ng mga lokal at dayuhang turista para saksihan ang malalim na debosyon at kagandahan ng tradisyon at kultura ng mga Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 25,116 total views

 25,116 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 49,432 total views

 49,432 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 85,222 total views

 85,222 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 126,657 total views

 126,657 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 178,279 total views

 178,279 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top