Tunay na kristiyano, sumusunod kay Kristo hindi sa pamantayan ng sanlibutan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,668 total views

Iginiit ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, na ang pagiging tunay na Kristiyano ay nakaugat sa pagsunod sa karunungan ni Hesukristo at sa aral ng Simbahan, hindi sa pamantayan ng sanlibutan.

Ito ang binigyang-diin ng kinatawan ng Vatican sa isinagawang pontifical coronation sa imahen ng Nuestra Señora de los Angeles sa Pila-pila, Binangonan noong January 17 na isang natatanging pagdiriwang alinsunod sa pahintulot ng Santo Papa.

Ayon kay Archbishop Brown, malinaw ang hamon sa mga mananampalataya sa gitna ng patuloy na pag-usbong ng makabagong panahon.

“If we want to be Christians, if we want to be Catholics, we need to follow the wisdom of Christ, which is the wisdom of the Gospels, which is the teaching of the Church,” ayon kay Archbishop Brown.

Sa kanyang homiliya, pinagnilayan ni Archbishop Brown ang Ebanghelyo ayon kay San Lucas hinggil sa pagkawala at pagkakatagpo kina Maria at Jose kay Hesus sa templo.

Aniya, ipinakikita sa tagpong ito ang banal na karunungang taglay ni Kristo na dapat sundin ng mga Kristiyano sa halip na pairalin ang kultura ng pansariling interes at pag-aangat ng sarili.
“If we follow the wisdom of the world, which is a wisdom in which we try to make ourselves great at the expense of others, then we’re following the wisdom of the world. But if we’re Christians, we follow a different wisdom, the wisdom of Jesus,” dagdag ni Archbishop Brown.

Binigyang-linaw rin ng nuncio ang kahalagahan ng wastong debosyon kay Maria, lalo na sa konteksto ng kanyang koronasyon kung saan binigyang diin na higit ikinagagalak ng Mahal na Ina ang paggalang sa kanyang Anak.

“It makes Mary more happy for us to honor her son, the Santo Niño, than if we were giving all the honor to her, because Mary is a mother who points us to Jesus,” paliwanag ng opisyal ng Vatican.

Dagdag pa niya, tinatawag ang Birheng Maria bilang Seat of Wisdom sapagkat kay Hesus matatagpuan ang tunay na karunungan na ibinigay sa sangkatauhan sa pamamagitan ng kanyang Ina.
Samantala, sinabi ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, na ang paggawad ng pontifical coronation sa 133-taóng patrona ng Binangonan ay hindi lamang pagkilala sa matibay na debosyon ng sambayanan kundi isang hamon sa mas masigasig na misyon ng bawat binyagan.

“This coronation, granted by the Holy See, is not only an acknowledgment of the enduring devotion of our people; it is also a mission entrusted to us to proclaim the Gospel with renewed ardor,” ayon kay Bishop Santos.

Binanggit din ng obispo na ang pagputong ng korona sa imahen ng Nuestra Señora de los Angeles ay inaasahang magpapatibay pa sa mga gawaing kabanalan at magpapalalim ng pananampalataya ng mga deboto.

Nagpasalamat naman si Fr. Dan Christopher Magdagan, kura paroko ng Nuestra Señora de los Angeles Parish, kay Archbishop Brown sa pangunguna sa makasaysayang koronasyon, gayundin kay Bishop Santos, sa mga pari, at sa mga layko kabilang ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na tumulong sa paghahanda at pagsasakatuparan ng pagdiriwang.

Ang Nuestra Señora de los Angeles ang ika-siyam na Mrian image ng Diocese of Antipolo na ginawaran ng Coronación Pontificia, isang pagkilala ng santo papa sa imahen ng Mahal na Birhen na malaki ang naitutulong sa paglago ng pananampalataya sa pamamagitan ng debosyon.

Isinagawa ang pagdiriwang bilang pagpapahayag ng pasasalamat at pagmamahal ng sambayanan sa Mahal na Ina, kasabay ng panawagang manatiling nakasentro ang pananampalataya sa karunungan at aral ni Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 25,610 total views

 25,610 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 49,926 total views

 49,926 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 85,716 total views

 85,716 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 127,130 total views

 127,130 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 178,724 total views

 178,724 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top