Tularan ang birheng Maria, panawagan ng Arsobispo sa kapistahan ng birhen ng Candelaria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,762 total reads

Hinimok ni Jaro Archbishop Midyphil Billones ang mga mananampalataya na tularan ang pananampalataya at pagsunod ng Mahal na Birheng Maria sa patuloy na gawain ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Candelaria, ibinahagi ng arsobispo ang nagpapatuloy na gawain ng kaligtasan ng Diyos sa kasalukuyang panahon, subalit binigyang diin na nangangailangan pa rin ito ng tugon ng tao tulad ng buong kababaang loob na pagtanggap ni Maria sa kalooban ng Panginoon.

“God continues the work of salvation. But just as He needed the yes of Mary, He needs your yes,” ayon kay Archbishop Billones.

Ipinaliwanag ng arsobispo na sa pamamagitan ng “ou” ni Maria ay naging huwaran ito ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos, hindi lamang sa pananampalataya kundi maging sa konkretong pagsasabuhay ng Kristiyanong pamamahala sa sangnilikha.

Binigyang-diin ni Archbishop Billones na ang halimbawa ng Mahal na Ina ay may malinaw na implikasyon sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan, partikular sa usapin ng pamamahala at kabutihang panlahat.

“With her, we can say yes to stewardship of the nation, in purging out corruption and working for our common good,” ani ng arsobispo.

Bukod sa responsibilidad sa bayan, binigyang-halaga rin ng arsobispo ang tungkulin ng mga Kristiyano sa pangangalaga sa kalikasan bilang bahagi ng pananampalataya.

“With her, we can say yes to stewardship of creation in caring for our common home,” dagdag pa ni Archbishop Billones.

Sa kanyang mensahe, ginamit ng arsobispo ang salaysay sa pahahayag ni Anghel Gabriel sa mensahe kay Maria upang ipakita ang bigat ng desisyon ng Mahal na Ina dahil sa kanyang pagtanggap sa kalooban ng Diyos ay nagkaroon ng kaligtasan ang sanlibutan.

Hinikayat ni Archbishop Billones ang mga deboto na gawing makabuluhan ang pagdiriwang ng kapistahan sa pamamagitan ng aktibong pagsasabuhay ng pananampalataya at paglilingkod.

“When in faith and obedience you say yes to stewardship, you become the bearer of the light of change today,” ayon kay Archbishop Billones.

Ipinakilala ng mga misyonerong Kastila ang debosyon sa Nuestra Señora de la Candelaria sa lalawigan bilang paggunita sa kapistahan ng Pagdadala kay Hesus sa Templo.

February 2, 1981 nang pahintulutan ng Vatican ang canonical coronation sa imahe, ang kauna-unahang Marian image sa Pilipinas na kinoronahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 8,418 total reads

 8,418 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 61,119 total reads

 61,119 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 108,991 total reads

 108,991 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 212,938 total reads

 212,938 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 298,621 total reads

 298,621 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top