Nangangasiwa sa mga dambana at basilika sa Pilipinas, hinimok na maging daluyan ng ebanghelisasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,946 total reads

Hinamon ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang mga tagapangasiwa ng mga dambana at basilika sa bansa na isulong ang pagiging daluyan ng ebanghelisasyon.

Sa pagninilay ni Bishop Villarojo para sa opening mass ng 29th National Assembly ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines (ACSP) na isinagawa sa diyosesis ay binigyang diin ng Obispo na ang mga dambana at mga basilica ay higit pa sa mga lugar ng debosyon, kundi mga sentro ng sinodalidad, ebanghelisasyon, at pagpapagaling.

“Let our shrines be centers of synodality and evangelization. They are rightly called sanctuaries because they are places of refuge, a place of rest for the weary soul. There are many ways we can bring solace and consolation to our people.” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Villarojo.

Binigyang-diin din ni Bishop Villarojo na ang mga dambana ay dinarayo at sinasadya ng mga perigrino na may pasan-pasang hindi lamang espiritwal, kundi maging emosyonal at sikolohikal na mga sugat, kaya naman mahalagang maging mga lugar ang mga dambana na nag-aalok ng aliw, pahinga, at paghilom.

Isa sa mga kongkretong hakbang na ibinahagi ng Obispo ay ang pagsasama ng pangangalaga sa kalikasan sa pastoral na misyon ng mga dambana sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Hinikayat din ni Bishop Villarojo ang lahat na pangalagaan ang kalinisan ng kapaligiran, gayundin ang pagtatanim ng mga puno at halaman, maayos na pamamahala ng basura, at pagpapanatiling malinis ng mga pasilidad bilang bahagi ng paggalang sa nilikha ng Diyos.

“The most obvious one is to make it a place not just for spiritual renewal, but also ecological restoration. Let the earth breathe in our shrines. Fill it with trees and plants, birds and butterflies. Keep the toilets clean and dispose of the garbage properly. Keep it clean and spacious. In today’s world, people carry not just spiritual burdens but also psychological bondage.” Dagdag pa ni Bishop Villarojo.

Dagdag pa ng Obispo, sa isang mundong puno ng ‘stress’ o pagkabalisa, at kawalang katiyakan ay maaaring palawakin ng mga dambana ang kanilang paglilingkod sa pamamagitan ng mental health support, kung may kakayahan ang lugar.

Iminungkahi rin ni Bishop Villarojo ang posibilidad ng paglalaan ng espasyo para sa counseling at mental health clinics, katuwang ng sakramento ng kumpisal.
Binanggit din ng Obispo ang posibilidad ng mga pasilidad para sa pisikal na pangangalaga, tulad ng pagpapakain, pagbibigay-damit, o pagkakaloob ng simpleng paliguan lalo na para sa mga dukha at mga pilgrim na naglalakbay nang malayo.

“If possible, shrines can provide clinics for mental health, not just a place for a priest to hear confessions, but a clinical psychologist to provide counseling if the place permits. There can also be facilities for physical healing where people can be fed, clothed, and perhaps even take a shower.” Ayon pa kay Bishop Villarojo

Ayon kay Bishop Villarojo, kapag ang mga dambana at basilica ay naging tunay na lugar ng pakikipagtagpo sa Diyos at sa kapwa, ay kusang dadaloy ang biyaya para sa lahat.

“When we make our shrines and basilicas truly places of encounter with God and with fellow pilgrims, we make miracles happen. Not because we make it happen, but because the Lord pours out His grace upon His people.” Dagdag pa ni Bishop Villarojo.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, mainit na tinanggap ni Bishop Villarojo ang mga panauhin ng Diyosesis ng Malolos na mga delegado ng 29th ACSP National Assembly at ipinagdasal ang isang makabuluhan at mabungang pagtitipon para sa lahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 31,974 total reads

 31,974 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 67,965 total reads

 67,965 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 121,800 total reads

 121,800 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 183,783 total reads

 183,783 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 251,525 total reads

 251,525 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SPARK, iginiit ang pagpapatuloy ng BSKE

 3,157 total reads

 3,157 total reads Iginiit ng isang youth group ang pagpapatuloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections, kasunod ng planong pagpapaliban sa halalang pambarangay na nakatakda

Read More »
Scroll to Top