Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maituturing na isang biyayang nagbubuklod sa mga Kristiyano at Muslim ang pambihirang pagkakataon na sabayang pagsisimula ng Banal na Buwan ng Ramadan at ng Panahon ng Kuwaresma sa Pebrero 18, 2026.
Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo -chairman ng CBCP Commission on Inter-Religious Dialogue, ang sabayang pagdiriwang ng dalawang banal na panahon ay panawagan hindi lamang upang ipanalangin ang kapayapaan kundi isabuhay at ipaglaban ito sa gitna ng karahasan at pagkakahati ng mundo.
Binigyang diin din ng Obispo na ang pambihirang pagkakataon ay isa ring paanyaya sa mas malalim na pagbabalik-loob, pananalangin, at sama-samang paglalakbay sa pananampalataya.
“This year, the holy month of Ramadan and the Lenten Season (Ash Wednesday) begin together on 18 February. This shared beginning is a grace. It invites us to slow down, to return to God, and to walk together in faith. In these sacred seasons, Muslims and Christians enter a time of prayer, fasting, repentance, and generosity. We turn our hearts to the Merciful. We learn again to see one another as brothers and sisters.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Bagaforo.
Paalala ng Obispo, ang kapayapaan ay sentro ng dalawang pananampalataya kung saan parehong itinuturo ng Islam at Kristiyanismo ang kahalagahan ng panalangin, pag-aayuno, pagsisisi, at pagkakawanggawa, na mga gawaing humuhubog sa puso at nagtutulak sa malasakit sa kapwa lalo na sa mahihirap at mga kadalasang nakalilimutan sa lipunan.
“In a world marked by violence and division, this moment calls us not only to pray for peace, but to live it and work for it. Ramadan and Lent remind us that faith must transform the heart and shape our actions. Fasting opens our eyes to suffering and enlarges our compassion. Love of God is proven in love of neighbors, especially the poor and the forgotten.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Iginiit din ni Bishop Bagaforo na ang kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng digmaan, kundi tamang ugnayan sa Diyos, sa kapwa, at sa sangnilikha.
Pagbabahagi ng Obispo, kapwa itinuturo ng Simbahan at ng Qur’an ang pananagutang pangalagaan ang kalikasan na isang sagradong tiwalang ipinagkaloob sa sangkatauhan na kapag winasak ay sumisira rin sa kapayapaan ng sanlibutan.
“Peace, however, is more than the absence of war. It is the right relationship—with God, with one another, and with creation. Both our faith traditions teach that the earth is a sacred trust. Pope Francis, in Laudato Si’, reminds us that the cry of the earth and the cry of the poor are one. The Qur’an teaches that humanity is entrusted as khalifa, stewards of God’s creation. When forests are destroyed, waters poisoned, and land abused, peace is broken. Caring for our common home is therefore an essential work of peace.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.
Sa konteksto ng Pilipinas, binigyang-halaga ng Obispo ang Alay Kapwa na Lenten program ng Simbahan na hindi lamang nagsusulong ng simpleng kawanggawa kundi isang paraan ng pagkilala sa kapwa bilang ‘kapwa-tao’ na katuwang sa kasalukuyan at hinaharap.
Alinsunod sa mensahe ni Pope Leo para sa World Day of Peace na “Towards an Unarmed and Disarming Peace,” pinaaalalahanan ng Simbahan ang lahat na ang tunay na kapayapaan ay hindi naidudulot ng sandata at takot, kundi bunga ng katarungan, tiwala, diyalogo, at sama-samang pananagutan.
Inaanyayahan naman ni Bishop Bagaforo ang mga Kristiyano at Muslim, gayundin ang mga institusyon ng Simbahan at bawat mamamayan na manalangin at kumilos nang magkakasama, alagaan ang mahihirap, pangalagaan ang kalikasan, at magturo ng kapayapaan.
Batay sa tala, umaabot sa 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas kung saan mayorya ay mga Katoliko.






