Pag-aayuno, isang espiritwal na disiplina na nagbubukas sa puso ng mananampalataya-Papal Nuncio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,679 total reads

Muling binigyang-diin ng opisyal na kinatawan ng Vatican sa Pilipinas ang mas malalim na kahulugan ng pag-aayuno bilang espirituwal na disiplina na nagbubukas ng puso ng mananampalataya.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa kanyang naging Pastoral Visit On The Air sa himpilan ng Radyo Veritas ang Radyo ng Simbahan, kaugnay sa papalapit na Miyerkules ng Abo sa ika-18 ng Pebrero, 2026 na hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kwaresma.

Ayon kay Archbishop Brown, ang pag-aayuno ay isang espirituwal na disiplina na nagbubukas ng puso ng bawat mananampalataya sa mas masidhing panalangin at sa biyaya ng Banal na Eukaristiya.

Sa kanyang pagninilay, ipinaliwanag ng Nuncio na ang pag-aayuno ay hindi lamang simpleng pag-iwas sa pagkain, kundi isang pambihirang hakbang upang bigyang-daan ang buhay na espirituwal na nagmumula sa Diyos.

“So when we fast, we have more time to pray. More time to pray. And, there are all kinds of, yeah, I think there’s also probably a connection between fasting and the Eucharist, you know, because when we fast, we’re not eating food that gives us biological life.” pahayag ni Archbishop Brown sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Archbishop Brown, ang bawat pagkain ay nagbibigay ng ‘biological life’, subalit sa Eukaristiya ang tinatanggap ng mananampalataya ay isang mas mataas at walang hanggang buhay na nagmumula sa Panginoon.

Ipinaliwanag ng Nuncio ang kusang pagtalikod sa pagkain ay maaaring magbukas sa tao sa mas malalim na pagtanggap ng biyayang espirituwal na nagmumula sa Eukaristiya, kung saan binalikan din ng Arsobispo ang tradisyon ng Simbahan hinggil sa pag-aayuno bago tumanggap ng Banal na Komunyon.

“Every calorie is live it’s a life and um so spiritually the eucharist is the bread of eternal life, a different kind of life. It’s similar, analogous. That means it’s similar to biological life, but it’s different. So maybe there’s something about not eating biological, not receiving biological life, to open yourself more to spiritual life from the Eucharist in fasting. That’s why, traditionally, we fasted before receiving the Eucharist, which now has been reduced to an hour before we receive.” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Ayon kay Archbishop Brown, ang pag-aayuno ay isang paraan ng paghahanda, hindi lamang ng isip kundi pati ng pisikal na katawan upang tanggapin ang pambihirang buhay na nagmumula sa Diyos.

“There is a connection between depriving yourself of biological life to kind of open your heart and your body even to this supernatural life that’s flooding into you through the Eucharist. Make way for the divine.” Ayon pa kay Archbishop Brown.

Bagama’t kinikilala ng Arsobispo ang pisikal na benepisyo ng pag-aayuno, binigyang-linaw ni Archbishop Brown na ang pangunahing layunin nito para sa mga Kristiyano ay espirituwal.

“It seems like it has health benefits. But we fast not really for physical health benefits, even though it has physical health benefits. We do it for spiritual health benefits.” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Sa kanyang mensahe, hinihikayat ni Archbishop Brown ang mga mananampalataya na tingnan ang pag-aayuno bilang isang sagradong paghahanda at isang paraan upang linisin ang sarili at bigyang-daan ang mas ganap na pakikipagtagpo kay Kristo sa Eukaristiya, lalo na sa mga panahong liturhikal ng pagninilay at pagbabalik-loob.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 6,842 total reads

 6,842 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 18,571 total reads

 18,571 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 59,385 total reads

 59,385 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 93,512 total reads

 93,512 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 149,918 total reads

 149,918 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 6,843 total reads

 6,843 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top