Do we choose to stay together? Hamon ni Bishop Dalmao sa Mindanao Priests

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,265 total reads

“The question is not, do we think the same? The real question is, do we choose to stay together?”

Ito ang hamon ni Basilan Bishop Leo Dalmao, CMF sa halos 800 diyosesanong pari na dumalo sa 47th Diocesan Clergy of Mindanao Assembly na ginanap sa KCC Convention Center sa Zamboanga City.
Binigyang-diin ng obispo na ang tunay na sukatan ng synodality ay hindi pagkakapareho ng pananaw kundi ang pasyang manatiling magkakaisa at magpatuloy sa misyon sa kabila ng pagkakaiba at hamon ng ministeryo.

“Or, in the context of our ministry, do we choose to stay and continue giving ourselves despite the difficulties?” ayon kay Bishop Dalmao.

Kinilala ng obispo ang magkakaibang pastoral realities sa Mindanao mula sa iba’t ibang kultura at wika hanggang sa komplikadong interreligious context, ngunit iginiit na ang pagkakaiba-iba ay hindi hadlang kundi biyaya.

“In Mindanao, we live in diversity; cultures, languages, pastoral realities, and even different ways of thinking. Diversity is beautiful. It is well demonstrated in our region,” aniya.

Sa gitna ng kahirapan, tunggalian, at mga hamong panlipunan sa rehiyon, sinabi ni Bishop Dalmao na hindi kayang pasanin ng bawat pari nang mag-isa ang bigat ng misyon.

Babala ng obispo na ang pagkakahati-hati ay nagsisimula sa puso, sa sugat, takot, at pagmamataas kaya’t ang synodality ay nagsisimula rin sa pagpapahintulot kay Kristo na maghilom ng mga pusong nasasaktan.

“We are not meant to walk alone. We are called to journey in solidarity. Division does not begin outside; it begins inside… Synodality begins when we allow Christ to heal all hearts. But when priests walk divided, people also feel very discouraged. But when priests walk together, people find hope,” ayon sa obispo.

Hinimok ni Bishop Dalmao ang kaparian na manatiling tapat sa pakikinig at paglalakbay kasama ng bayan ng Diyos, kahit sa mga pagkakataong hindi malinaw ang sagot sa mga suliranin.
Aniya, ang lakas ng ministeryo ay hindi nasusukat sa mga programa kundi sa lalim ng pagkakapatiran.

“Sometimes we are simply called to stay, to listen without judging, to accompany without having all the answers, to remain even when it is inconvenient. Our strength is not only in what we do in ministry, but in how we walk together as brothers,” ani Bishop Dalmao.

Ang Diocesan Clergy of Mindanao Assembly ay pagtitipon ng mga diyosesanong pari sa rehiyon na naglalayong patatagin ang pagkakaisa, pakikipagkapwa, at konkretong pagsasabuhay ng synodality sa Simbahan sa Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,105 total reads

 49,105 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,802 total reads

 128,802 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,249 total reads

 162,249 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,547 total reads

 197,547 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,155 total reads

 422,155 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top