VP Duterte, hinimok ng Pari na harapin at linawin ang alegasyon ng korapsyon sa publiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,087 total views

Nanindigan ang Simbahan sa pagtanggol ng moral na prinsipyo, katarungan, at kapakanan ng mga walang boses sa lipunan kasunod ng paghahain ng ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Rev. Fr. Joel Saballa, Deputy Executive Director ng Caritas Novaliches, ang hakbang ng Simbahan ay hindi pakikialam sa pamamahala ng gobyerno kundi isang panawagan para sa pananagutan at integridad sa paggamit ng pondo ng bayan.

“Ang Simbahan ay hindi naghahangad po na makialam sa pamamahala ng gobyerno, kundi yung pagtatanggol ng prinsipyo po ng moral at kapakanan po ng mga voiceless ng ating lipunan. Ang pagluhog po namin ay hindi politikal, kundi pag-alaala doon sa supposed to be na gagamitin para sa mga bata; ginamit nila sa ano—sa mga kabalbalan. Do’n po tayo—yung prinsipyo po ng pagkapantay-pantay ng hustisya,” pahayag ni Fr. Saballa sa Radyo Veritas.

Nilinaw ng Pari, ang paghahain ng reklamo ay isang panawagan na pairalin ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay ng hustisya, anuman ang katayuan sa lipunan o posisyon sa pamahalaan.

Hinimok din ni Fr. Saballa ang Pangalawang Pangulo na gamitin ang pagkakataong ibinibigay ng Saligang Batas upang harapin ang mga alegasyon at linawin ang mga isyu sa publiko.

“Sana sa Vice President [Sara Duterte] gamitin mo’ng pagkakataon na ito, oportunidad na ibinibigay sayo ng konstitusyon legally. At sana gamitin mo ito upang ipaliwanag mo [ang mga alegasyon ng katiwalian] gamitin pagkakakaton [upang] linawin mo sa mga tao na yung mga akusasyon sa iyo ay mga walang basehan,” aniya.

Binigyang-diin ng Caritas Novaliches na ang paninindigang ito ng Simbahan ay nakaugat sa misyon nitong ipagtanggol ang dignidad ng tao, isulong ang katotohanan, at panatilihing buhay ang diwa ng pananagutan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 174,815 total views

 174,815 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 152,448 total views

 152,448 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 216,584 total views

 216,584 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 236,283 total views

 236,283 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Lights! Camera! Action?

 156,036 total views

 156,036 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top