Digital media media fasting, panawagan ng CBCP sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,980 total views

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na palalimin ang diwa ng Kwaresma ngayong 2026 sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aayuno, pagsasagawa ng mga gawa ng awa, at ang napapanahong panawagan sa kasalukuyang modernong panahon na Digital Media Fasting.

Iginiit sa liham pastoral ni CBCP President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera para sa Kuwaresma na ang pag-aayuno ay hindi lamang tungkol sa pagkain, kundi isang pansariling pagbabago na tumutugon sa mga hamon ng makabagong panahon, lalo na sa labis na paggamit ng digital media.

Binibigyang-diin din ni Archbishop Garcera na ang tunay na pag-aayuno ay isang taos-pusong handog sa Diyos at hindi isang panlabas na pagpapakitang gilas lamang.

“In our present time, fasting must also address the new realities shaping human life. One of the greatest influences today is digital media Thus, we invite the faithful to undertake a Digital Media Fasting as a contemporary expression of conversion and renewal.” Bahagi ng pastoral ni Archbishop Garcera.

Ayon sa CBCP, bagamat biyaya ang teknolohiya, ang labis na pagggamit sa social media, streaming platforms, online games, at tuloy-tuloy na screen time ay madalas namang nagiging sagabal sa panalangin, katahimikan ng loob, at makabuluhang ugnayan sa kapwa.

Pagbabahagi ni Archbishop Garcera, ang Digital Media Fasting ay isang paanyaya upang muling matuklasan ng bawat isa ang katahimikan, pagninilay, at presensya ng Diyos sa araw-araw na buhay.

Nilinaw naman ng Arsobispo na ang panawagan ay hindi laban sa teknolohiya, kundi panawagan na gamitin ito nang may disiplina at may pananagutan.

“Technology is a blessing when used responsibly, yet excessive media use often leads to distraction, fatigue, loss of focus, weakened relationships, and diminished spiritual awareness. Constant connectivity leaves little room for silence and reflection. Many struggles to be present to God and others because screens constantly demand attention. Digital media fasting helps restore balance and reminds us that technology must serve human life not dominate it.” Dagdag pa ni Archbishop Garcera.

Paliwanag ng Arsobispo, ang digital media fasting ay hindi simpleng pagtalikod sa isang gawain, kundi pagbibigay-daan sa mas mahahalagang gawain tulad ng panalangin, pagbabasa ng Bibliya, pagdalo sa Banal na Misa, pagsasakatuparan ng mga gawa ng awa, at mas malalim na pakikipag-ugnayan sa pamilya at pamayanan.

Inihayag ni Archbishop Garcera, sa pamamagitan ng paglilimita sa oras ng paggamit sa iba’t ibang digital platforms ay mas mabibigyan ng espasyo at panahon ang puso upang mas maging bukas sa Diyos at sa pangangailangan ng kapwa, lalo na ng mga mahihirap at ng mga nakalilimutan ng lipunan.

“Digital media fasting is not simply about giving something up. It is about making room for something better. By limiting digital consumption, we create time for prayer, reading Scriptures, Eucharistic devotion, works of mercy, and meaningful encounters with others. Fasting redirects attention from self-centered abits o the loving service of others. It is not deprivation but transformation.” Ayon pa kay Archbishop Garcera.

Kabilang sa mga mungkahing hakbang ng CBCP ang pag-iwas sa paggamit ng cellphone bago matulog at pagkagising, pagtatakda ng oras para sa social media, pagkakaroon ng device-free na pagkain at pagtitipon, at paminsang 24-oras o weekend digital fast na hindi paggamit ng social media.

Hinihikayat din ang pagpapalit ng screen time para sa panahon ng pananalangin, paglilingkod, pagbabasa ng Bibliya, at personal na pakikipag-usap sa kapwa.

Inaanyayahan din ng CBCP ang lahat ng diyosesis, parokya, pamilya, at pamayanang Kristiyano na isulong ang Digital Media Fasting hindi lamang sa panahon ng Kwaresma kundi bilang isang patuloy na disiplina ng pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 174,738 total views

 174,738 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 152,371 total views

 152,371 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 216,507 total views

 216,507 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 236,210 total views

 236,210 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Lights! Camera! Action?

 155,968 total views

 155,968 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top