Pakikimuhay sa mga mananampalataya, misyon ng bagong kura-paroko ng Jesus the Nazareth parish

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,634 total reads

Iginiit ni Fr. Osben Pantorilla, SC na ang tunay na paglilingkod ng pari ay hindi hiwalay sa pamayanan kundi nakaugat sa pakikipamuhay, lalo na sa mga nasa laylayan.

Ito ang mensahe ng pari matapos siyang maluklok bilang kura paroko ng Jesus the Nazareth Parish sa Matandang Balara, Quezon City noong February 15.

“Kapag kami ay nawala sa inyo, para na rin kaming nawala sa Diyos,” mariing pahayag ni Fr. Pantorilla, na binigyang-diin na ang presensya ng pari ay dapat makita sa aktuwal na pakikiisa sa buhay at pakikibaka ng mga tao.

Ayon sa pari, ang karisma ng kanilang kongregasyon, ang Sons of Charity, ay hinuhubog ng malapit na pakikipag-ugnayan sa mga dukha at mahihinang sektor ng lipunan, isang misyon na nais niyang ipagpatuloy sa parokya.

Ibinahagi rin niya ang karanasan ng isang inang nawalan ng tahanan dahil sa demolisyon ngunit sa halip na magreklamo ay nagpasalamat pa sa may-ari ng lupa na nagsilbing tahanan nila sa loob ng 28 taon.

Aniya, ang tagpong ito ang nagpaalala sa kanya na ang pasasalamat at pagtitiwala sa Diyos ay nananatili kahit sa gitna ng matinding pagsubok.

Buong kababaang-loob na tinanggap ni Fr. Pantorilla ang kanyang bagong misyon at humiling ng panalangin ng komunidad upang manatili siyang tapat sa kalooban ng Diyos.

“Ngayon na talagang pinipili ko ang aking bokasyon, masaya ako at mapayapa,” saad ng pari.

Sa kanyang homiliya, pinaalalahanan naman ni Novaliches Bishop Roberto Gaa si Fr. Pantorilla sa bigat at lalim ng pananagutang kaakibat ng pagiging kura paroko.

Binigyang-diin ng obispo na ang pagiging pari ay hindi lamang panlabas na pagsunod sa alituntunin kundi malalim na pag-unawa at pagsasabuhay sa diwa ng Ebanghelyo.

“Sundin ang diwa ng batas, hindi lamang ang letra ng batas — the spirit of the law rather than the letter of the law,” paalala ni Bishop Gaa.

Iginiit din ng obispo na ang misyon ng pari ay hindi nalilimitahan sa oras at nangangailangan ng tuloy-tuloy na katapatan at sakripisyo.

“Ang importante doon: magpunla. Kasi kung hindi siya magpupunla, walang tutubo at uusbong,” giit ng obispo, na inihalintulad ang tungkulin ng pari sa paghahasik ng binhi ng Mabuting Balita.

Aminado si Bishop Gaa na maaaring hindi agad makita ang bunga ng paglilingkod, subalit mahalaga ang tiyaga at pagpapatuloy sa misyon kasabay ang paghimok sa komunidad na maging katuwang ng kanilang bagong kura paroko..

“Pwedeng hindi ngayon magbunga… pero kailangan at importante na patuloy siyang magpunla. Huwag po nating isipin na kay Father Osben na lang ito lahat nakasalalay,” paliwanag ng obispo.

Ipinaalala rin ng obispo na ang tunay na paglago ng Simbahan ay hindi nasusukat sa mga estruktura kundi sa pagbabagong-loob ng mga mananampalataya.

Nanawagan sina Bishop Gaa at Fr. Pantorilla sa mga mananampalataya na sama-samang isabuhay ang Mabuting Balita, isang Simbahan na hindi lamang nakikinig sa Salita ng Diyos kundi nagiging buhay na saksi nito sa salita at gawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 17,425 total reads

 17,425 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 55,243 total reads

 55,243 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,453 total reads

 73,453 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,782 total reads

 157,782 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 194,329 total reads

 194,329 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,273 total reads

 2,273 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top