National Celebration ng World Day of the Sick 2026, isinagawa sa Diocese of Imus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,056 total views

Ipinagdiwang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC), katuwang ang Diocese of Imus at ang Department of Health, ang pambansang pagdiriwang ng World Day of the Sick 2026 sa Lungsod ng Imus sa Cavite, kasabay ng paglulunsad ng programang Simba-Kalusugan.

Sa temang “The compassion of the Samaritan: loving by bearing another’s pain,” binigyang-diin ng pagdiriwang ang panawagan ng Simbahan sa konkretong pagmamalasakit sa mga maysakit at nasa laylayan.

Isinagawa ang gawain noong February 14, 2026, sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar o Imus Cathedral, sa pangunguna ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista, na siya ring chairman ng CBCP-ECHC.

Iginiit ni Bishop Evangelista na ang pananampalataya at kalusugan ay hindi dapat magkahiwalay, kundi dapat magtagpo sa aktuwal na pagkilos at paglilingkod para sa kapwa.

“Worship and Health—where every person must be considered integrally and as a whole. Making health services close to people in making people, the center of services,” ayon sa CBCP-ECHC.

Isinagawa ang paglulunsad sa Simba-Kalusugan sa pakikipagtulungan ng DOH sa pamumuno ni Health Secretary Teodoro Herbosa, kasama ang iba’t ibang healthcare networks at mga ospital.

Nagkaloob ang inisyatibo ng libreng medical consultation at mga gamot, dental services, chest X-ray, laboratory tests, ECG, HIV screening, counseling, at health education kaugnay ng iba’t ibang karamdaman.

“These weren’t just medical services—they were acts of mercy, dignity restored, and hope renewed,” saad ng CBCP-ECHC.

Bagamat pambansang paglulunsad ang naganap, ang Simba-Kalusugan ay nakaugat sa umiiral na Community-Based Healthcare Programs ng Simbahan sa Luzon, Visayas, at Mindanao—mga inisyatibong napatunayang epektibo sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mismong pamayanan.

Tiniyak naman ng CBCP-ECHC na ipagpapatuloy at palalawakin pa ang Simba-Kalusugan sa iba’t ibang diyosesis, upang higit na mapalapit ang pangangalagang pangkalusugan sa mga higit na nangangailangan.

“The success stories from the different dioceses are inspiring making healthcare initiatives and services closer to the community, each adapting the program to their local communities’ unique needs,” ayon sa CBCP-ECHC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 152,287 total views

 152,287 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 182,510 total views

 182,510 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 209,156 total views

 209,156 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 304,129 total views

 304,129 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 315,210 total views

 315,210 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top