Mananampalataya, hinimok na makiisa sa paglalakbay ng panginoon ngayong Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,412 total views

Inaanyayahan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na makiisa sa paglalakbay ng Panginoon ngayong Kwaresma sa pamamagitan ng pag-aayuno, penitensya, at malasakit sa kapwa.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Lucena Bishop Mel Rey Uy – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Ecumenical Affairs, kaugnay ng paggunita ng Ash Wednesday ngayong ika-18 ng Pebrero, 2026 na hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kwaresma.
Ayon sa Obispo, sa pagsisimula ng panahon ng Kwaresma ay hinikayat ang lahat na gawing makahulugan ang pagtanggap ng abo sa noo bilang tanda ng pakikiisa sa paghihirap ng Panginoong Hesukristo.

“Sa pagsimula natin itong panahon ng Kwaresma, as we start with the Ash Wednesday, in putting ashes on our forehead, I invite you to journey with our Lord in His suffering through fasting and penance.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Uy sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ni Bishop Uy na ang pag-aayuno ay hindi lamang personal na sakripisyo kundi isang konkretong paraan ng pagtulong sa mga nangangailangan, lalo na sa pamamagitan ng Alay Kapwa campaign ngayong Kwaresma.
Pagbabahagi ng Obispo, mas magiging makabuluhan din ang pag-aayuno kung tutulong ang bawat isa sa mga kapus-palad ngayong Kwaresma lalo na sa pamamagitan ng pag-aalay ng abstinence tuwing Biyernes bilang tulong sa mga nagugutom sa pamamagitan ng Fast to Feed program ng Pondo ng Pinoy.

“Yung ating mga pagpa-fasting ay para makatulong tayo sa mga kapus-palad nating mga kapatid to the Alay Kapwa campaign during this Lenten season. And also for our fasting during Fridays, our abstinence during Fridays. We can have it as help also for those people who need food through the Fast to Feed program of the Pondo ng Pinoy.” Paanyaya pa ni Bishop Uy.
Paliwanag ni Bishop Uy, ang ganitong mga gawain ay konkretong pagpapakita ng pakikiisa kay Kristo at pagmamalasakit sa mga nasa laylayan ng lipunan.
Ipinapanalangin naman ng Obispo na nawa ay ang panahon ng Kwaresma ay maging tunay na biyaya para sa lahat.

“So, I hope that we join our Lord in His suffering by helping our brothers and sisters who are in need of assistance and also in need of food especially those in the periphery.” Ayon pa kay Bishop Uy.

Ang Ash Wednesday ang nagsisilbing hudyat sa pagsisimula ng panahon ng Kwaresma kung saan tuwinang pinaalalahanan ng Simbahan ang sambayanan na ang Kwaresma ay hindi lamang panahon ng pagsisisi, kundi ng aktibong pagpapamalas ng pag-ibig at pagkalinga sa kapwa na isang paraan ng pakikipaglakbay sa Panginoon ng pananampalataya na may mukha ng awa at malasakit sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 164,322 total views

 164,322 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 194,545 total views

 194,545 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 221,191 total views

 221,191 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 316,164 total views

 316,164 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 326,548 total views

 326,548 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top