‘Hindi ipinagbibili ang mga sakramento’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,968 total views

Hindi ipinagbibili ang sakramento ng kasal.

Ito ang mariing paalala ni Fr. Reynante Tolentino, shrine rector at kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Holy Rosary sa Cardona, Rizal sa ginanap na mass wedding para sa 100 mag-asawa noong February 19 na pinangunahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos.

“Hindi po pinagbibili ang sakramento… ang sakramento ng kasal at lahat ng sakramento ay libre at ito ay para sa ating lahat,” giit ng pari sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon kay Bishop Santos, ang kasal ay pakikipagtipan hindi lamang sa isa’t isa kundi sa Diyos.

“Ang kasal ay tipanan ninyo mag-asawa sa Diyos. Titiyakin ng Diyos na hindi kayo malilihis ng landas at makakabalik kayo sa Kanya,” pahayag ng obispo.

Ipinaliwanag ni Fr. Tolentino na sa pagtanggap ng sakramento ay pinagtitibay at pinapabanal ng Diyos ang pagsasama ng mag-asawa at ipinagkakaloob ang mga biyayang kailangan nila sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay may-asawa.

Ang mass wedding ay pangunahing itinaguyod ng pamilya nina Noel at Cherry Reyes bilang bahagi ng kanilang apostolate.

Ibinahagi ni Noel Reyes na nagsimula ang gawain sa pagpapakasal ng 65 mag-asawa, sinundan ng 75, at ngayong taon ay umabot sa 100 kasabay ng paggunita sa ika-100 anibersaryo ng canonical coronation ng Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje o Birhen ng Antipolo.

Naniniwala si Reyes na ang kasalang bayan ay nagiging daan upang muling maging aktibo sa simbahan ang ilang mag-asawa.

“Kung sa isang daan na ikinasal ay may dalawampung nagbalik sa regular na pagsisimba, palagay ko ngumingiti ang Mahal na Birhen sa regalo namin sa kanyang Anak,” ani Reyes.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, nasa 370,000 lamang ang naitalang kasal noong 2024 mas mababa ng 10 porsyento kumpara sa mga nakaraang taon.

Dahil dito, tiniyak ng Simbahan ang pagpapaigting ng katesismo at family and life ministries upang higit na maunawaan ng mga mananampalataya ang kahalagahan ng sakramento ng kasal bilang pundasyon ng pamilya at munting simbahan ni Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 153,576 total views

 153,576 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 183,799 total views

 183,799 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 210,445 total views

 210,445 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 305,418 total views

 305,418 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 316,417 total views

 316,417 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top