‘No meat Friday’, panawagan ngayong Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 51,745 total reads

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Healthcare ang mga mananampalataya na gawing makabuluhan ang paggunita sa panahon ng Kuwaresma sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng sakripisyo, pagninilay, at pakikiisa sa “No Meat Friday campaign.”

Ayon kay CBCP-ECHC vice chairman, Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, ang Kuwaresma ay apatnapung araw ng pagsisisi at pagpapakasakit bilang paghahanda sa paggunita ng pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesus.

Dagdag ng obispo, ang pag-iwas sa pagkain ng karne tuwing Biyernes ng Kuwaresma ay hindi simpleng tradisyon kundi konkretong pagsasanay sa pagpipigil at pagsasakripisyo.

Gayunman, nilinaw ni Bishop Florencio na hindi ito obligasyon para sa mga may karamdaman, matatanda, at may pangangailangang pangkalusugan.

“For those who can, hinihiyat tayo upang maramdaman natin ang pagsasakripisyo to discipline our bodies. So that, kung tayo ay mayroong disiplinadong katawan, we’re able to do some other things. Because the more that we sacrifice in view of something, ito po ay nagiging meritorious para sa atin,” ayon kay Bishop Florencio sa panayam ng Radyo Veritas.

Iginiit din ng obispo na ang bawat sakripisyo ay maaaring ihandog para sa kapakanan ng bayan, sa mga namumuno sa pamahalaan, sa mga nagdurusa, at sa mga kaluluwang higit na nangangailangan ng panalangin.

Pagbahahagi ni Bishop Florencio, ang Kuwaresma ay panahon ng pagbabalik-loob at pagtanggap sa Ebanghelyo bilang liwanag at gabay sa paglalakbay ng buhay.

Aniya, sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay, kabilang ang mga suliraning nakaaapekto sa kalusugang pangkaisipan, mahalaga ang pagkakaroon ng matibay na kalooban at pananampalataya.

“It brings us more strength. Inner strength. An inner character. It brings us strength not only in our bodies but also our spirits,” ayon sa obispo.

Tagubilin naman ni Bishop Florencio sa mga mananampalataya na ang sakripisyo ng apatnapung araw na paghahanda ay nakatuon sa pag-asa ng muling pagkabuhay kung saan tulad ni Kristong nagtagumpay sa krus, tinatawagan ang bawat isa na maging matatag, magtiwala sa Diyos, at mamuhay nang may pag-asa tungo sa buhay na walang hanggan.
Write to E-Veritas News Submissions

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 46,469 total reads

 46,469 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,272 total reads

 126,272 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 159,719 total reads

 159,719 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,017 total reads

 195,017 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 419,780 total reads

 419,780 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,782 total reads

 156,782 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top