‘Hindi ipinagbibili ang mga sakramento’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,124 total reads

Hindi ipinagbibili ang sakramento ng kasal.

Ito ang mariing paalala ni Fr. Reynante Tolentino, shrine rector at kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Holy Rosary sa Cardona, Rizal sa ginanap na mass wedding para sa 100 mag-asawa noong February 19 na pinangunahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos.

“Hindi po pinagbibili ang sakramento… ang sakramento ng kasal at lahat ng sakramento ay libre at ito ay para sa ating lahat,” giit ng pari sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon kay Bishop Santos, ang kasal ay pakikipagtipan hindi lamang sa isa’t isa kundi sa Diyos.

“Ang kasal ay tipanan ninyo mag-asawa sa Diyos. Titiyakin ng Diyos na hindi kayo malilihis ng landas at makakabalik kayo sa Kanya,” pahayag ng obispo.

Ipinaliwanag ni Fr. Tolentino na sa pagtanggap ng sakramento ay pinagtitibay at pinapabanal ng Diyos ang pagsasama ng mag-asawa at ipinagkakaloob ang mga biyayang kailangan nila sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay may-asawa.

Ang mass wedding ay pangunahing itinaguyod ng pamilya nina Noel at Cherry Reyes bilang bahagi ng kanilang apostolate.

Ibinahagi ni Noel Reyes na nagsimula ang gawain sa pagpapakasal ng 65 mag-asawa, sinundan ng 75, at ngayong taon ay umabot sa 100 kasabay ng paggunita sa ika-100 anibersaryo ng canonical coronation ng Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje o Birhen ng Antipolo.

Naniniwala si Reyes na ang kasalang bayan ay nagiging daan upang muling maging aktibo sa simbahan ang ilang mag-asawa.

“Kung sa isang daan na ikinasal ay may dalawampung nagbalik sa regular na pagsisimba, palagay ko ngumingiti ang Mahal na Birhen sa regalo namin sa kanyang Anak,” ani Reyes.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, nasa 370,000 lamang ang naitalang kasal noong 2024 mas mababa ng 10 porsyento kumpara sa mga nakaraang taon.

Dahil dito, tiniyak ng Simbahan ang pagpapaigting ng katesismo at family and life ministries upang higit na maunawaan ng mga mananampalataya ang kahalagahan ng sakramento ng kasal bilang pundasyon ng pamilya at munting simbahan ni Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,562 total reads

 47,562 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,324 total reads

 127,324 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,771 total reads

 160,771 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,069 total reads

 196,069 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,773 total reads

 420,773 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top