Alamin ang mahalagang papel ni Cardinal Sin sa kasaysayan ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,416 total reads

Nanawagan si Rev. Fr. Jerome Secillano, Rector ng National Shrine of Mary Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine, sa mga kabataan na mas kilalanin at unawain ang mahalagang papel ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa kasaysayan ng bansa.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Pari kaugnay sa nakatakdang paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon kay Fr. Secillano, maaaring hindi nagkaroon ng People Power noong 1986 kung hindi dahil sa matatag at moral na pamumuno ni Cardinal Sin na gumabay sa sambayanan sa gitna ng magulong taon ng diktadura.

“We want the young people to know Cardinal Sin. Perhaps, there wouldn’t be a People Power in 1986 if not for his steadfast and moral leadership that guided the nation in those tumultuous years of dictatorship.” pahayag ni Fr. Secillano.

Bagamat may iba pang mga personalidad na naging bahagi ng 1986 People Power Revolution, binigyang-diin ni Fr. Secillano na naging makapangyarihan ang tinig ng dating Arsobispo ng Maynila nang manawagan siya sa mga Pilipino na magtungo sa EDSA noong Pebrero 22, 1986 sa pamamagitan ng himpilan ng Radyo Veritas.

Dahil sa pagtugon ng taumbayan sa panawagan ni Cardinal Sin, Pebrero 25, 1986 ay napatalsik at nawakasan ang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa pamamagitan ng mapayapang pagkilos ng mga mamamayan sa lansangan.

“Yes, there were other actors involved in the 1986 People Power Revolution, but his voice loomed large when he called on Filipinos to troop to Edsa on that fateful day of Feb. 22. The nation obeyed and a dictator was ousted on Feb. 25, 1986. Join us in this Symposium to honor the man, Jaime Cardinal L. Sin, D.D., former Archbishop of Manila.” Dagdag pa ni Fr. Secillano.

Kaugnay nito, inaanyayahan ng pamunuan ng EDSA Shrine ang lahat na makiisa sa gaganaping Symposium on The Life and Legacy of Sin bilang pagpupugay sa buhay at pamana ni Cardinal Sin na isang lider ng Simbahan na nagsilbing tinig ng budhi ng bayan sa isang mahalagang yugto ng ating kasaysayan.

Nakatakda ang Symposium on The Life and Legacy of Sin sa ika-24 ng Pebrero, 2026 ganap na alas-kwatro ng hapon kung saan magsisilbing tagapagbahagi sina Rev. Msgr. Gerardo Santos at Rev. Fr. Francis Gustillo, SDB.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 14,612 total reads

 14,612 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 52,739 total reads

 52,739 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 70,949 total reads

 70,949 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 155,277 total reads

 155,277 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 191,949 total reads

 191,949 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 36,890 total reads

 36,890 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top