Labanan ang hindi tama sa lipunan!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,477 total views

Ito ang mensahe ni National Shrine of Mary Queen of Peace o EDSA Shrine Rector Rev.Fr. Jerome Secillano at Running Priest Father Robert Reyes sa unveiling ng bagong mural na pinamagatang ‘Tayo ang People Power, Noon Ngayon Bukas’ na handog sa pagdariwang ng ika-40 taon ng EDSA People Power Revolution.

Binigyan diin ni Fr.Secillano na kinakailangan at napapanahon ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa ilalim ng paggabay ng Simbahan upang higit na mapalalim ang pananampalataya at upang malabanan ang mga suliranin na kinakaharap ng Pilipinas.

Inihayag ni Fr.Secillano na kailangan ang pananampalataya sa pagpapanibago sa lipunang nasasadlak sa katiwalian at kawalan ng hustisya.

“At yung panghuli ay andoon, makikita mo yung faith component, religious component, na ibig sabihin sa pagpapanibago ng lipunan, kailangan din talaga natin ang tulong ng simbahan at pananampalataya,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Secillano.

Umaasa naman si Fr.Reyes na manatiling nag-aalab ang puso ng mga Pilipino upang labanan ang laganap na korapsyon sa pamahalaan.
Pinangangambahan ng nina Fr.Reyes at Fr.Secillano ang mabilis na pagkalimot ng mga Pilipino sa nangyayaring katiwalian sa bansa.

“Ang daming issue. Pero napapansin mo, parang yung init na dati matindi, parang lumalamig. Tapos ang daming iba-ibang issue na sumusulpot. Yung taong bayan, yung EDSA kasi, yung unang EDSA ay nangyari dahil may tinatawag na consistent, constant moral voice si Cardinal Sin. Ngayon, walang isang tao, eh. Pero anong nangyari? Maraming nagsasalita,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Secillano.

Malugod namang pinasasalamatan ng pamunuan ng EDSA Shrine ang mga Pilipinong artist at pintor na gumawa sa mural na kinabibilangan ni Anthony Jandusay, Tednicalao Camahalan, Rara Carrillo, Alvergel Frias at Abigail Bulan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 67,393 total views

 67,393 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 142,007 total views

 142,007 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 222,086 total views

 222,086 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 265,225 total views

 265,225 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 262,248 total views

 262,248 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top