Alamin ang mahalagang papel ni Cardinal Sin sa kasaysayan ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,546 total reads

Nanawagan si Rev. Fr. Jerome Secillano, Rector ng National Shrine of Mary Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine, sa mga kabataan na mas kilalanin at unawain ang mahalagang papel ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa kasaysayan ng bansa.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Pari kaugnay sa nakatakdang paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon kay Fr. Secillano, maaaring hindi nagkaroon ng People Power noong 1986 kung hindi dahil sa matatag at moral na pamumuno ni Cardinal Sin na gumabay sa sambayanan sa gitna ng magulong taon ng diktadura.

“We want the young people to know Cardinal Sin. Perhaps, there wouldn’t be a People Power in 1986 if not for his steadfast and moral leadership that guided the nation in those tumultuous years of dictatorship.” pahayag ni Fr. Secillano.

Bagamat may iba pang mga personalidad na naging bahagi ng 1986 People Power Revolution, binigyang-diin ni Fr. Secillano na naging makapangyarihan ang tinig ng dating Arsobispo ng Maynila nang manawagan siya sa mga Pilipino na magtungo sa EDSA noong Pebrero 22, 1986 sa pamamagitan ng himpilan ng Radyo Veritas.

Dahil sa pagtugon ng taumbayan sa panawagan ni Cardinal Sin, Pebrero 25, 1986 ay napatalsik at nawakasan ang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa pamamagitan ng mapayapang pagkilos ng mga mamamayan sa lansangan.

“Yes, there were other actors involved in the 1986 People Power Revolution, but his voice loomed large when he called on Filipinos to troop to Edsa on that fateful day of Feb. 22. The nation obeyed and a dictator was ousted on Feb. 25, 1986. Join us in this Symposium to honor the man, Jaime Cardinal L. Sin, D.D., former Archbishop of Manila.” Dagdag pa ni Fr. Secillano.

Kaugnay nito, inaanyayahan ng pamunuan ng EDSA Shrine ang lahat na makiisa sa gaganaping Symposium on The Life and Legacy of Sin bilang pagpupugay sa buhay at pamana ni Cardinal Sin na isang lider ng Simbahan na nagsilbing tinig ng budhi ng bayan sa isang mahalagang yugto ng ating kasaysayan.

Nakatakda ang Symposium on The Life and Legacy of Sin sa ika-24 ng Pebrero, 2026 ganap na alas-kwatro ng hapon kung saan magsisilbing tagapagbahagi sina Rev. Msgr. Gerardo Santos at Rev. Fr. Francis Gustillo, SDB.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 71,121 total reads

 71,121 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 106,427 total reads

 106,427 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,727 total reads

 141,727 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,996 total reads

 367,996 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 257,456 total reads

 257,456 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top