EDSA anniversary bilang national holiday, isinulong sa Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,083 total reads

Isinusulong ng Akbayan Partylist ang House Bill 7911 na naglalayong ideklara ang February 25-bilang regular holiday bilang paggunita sa People Power Revolution ng 1986.

Ang panukala ay isinulong nina Akbayan Partylists Rep. Chel Diokno, kasama sina Rep. Perci Cendaña, Rep. Dadah Kiram Ismula, at Dinagat islands Rep. Kaka Bag-ao.

“February 25, 1986 is more than a date etched in history — it marks the moment when the Filipino people peacefully rose to reclaim their democracy. It stands as a testament to courage, unity, and the enduring power of collective action,” ayon kay Diokno.

Layunin ng hakbang na parangalan ang mapayapang pag-aalsa sa EDSA na nagtapos sa diktadurya ng Marcos at nagbalik ng demokrasya sa bansa.

Dagdag pa ng kongresista, “It is our responsibility to honor this defining moment with the full recognition and dignity it deserves as a regular national holiday.”

Ayon sa panukala, pabago-bago ang naging paggunita sa Feb. 25 sa mga nakaraang taon—noong 2023 bilang special non-working holiday, regular working day noong 2024, at special working holiday sa 2025 at 2026.

Giit ng mga mambabatas, nakababawas ito sa kahalagahan ng EDSA bilang simbolo ng katapangan, pagkakaisa, at kapangyarihan ng sama-samang pagkilos.

Sakaling maisapa bilang batas, taun-taon nang maipagdiriwang ang EDSA anniversary bilang regular holiday, at ang National Historical Commission of the Philippines ang mangunguna sa pagsasaayos ng mga gawain para sa paggunita.

Saklaw nito ang mga programa sa mga paaralan, ahensya ng gobyerno, at civil society upang mapanatili ang katotohanan ng kasaysayan at itaguyod ang demokratikong halaga at karapatang pantao.

Ayon kay Diokno, ang pagtatalaga ng February 25 bilang regular holiday ay pagpapatibay na buhay pa rin ang diwa ng People Power.

“Democracy survives not by accident, but because the people choose to defend it,” saad pa ng mambabatas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 33,105 total reads

 33,105 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 69,017 total reads

 69,017 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 122,852 total reads

 122,852 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 184,780 total reads

 184,780 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 252,520 total reads

 252,520 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 44,535 total reads

 44,535 total reads Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »
Scroll to Top