Manindigan sa laban sa katiwalian at political dynasties, panawagan ng Diocese of Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,852 total reads

Nanawagan si Tagbilaran Diocesan Administrator Fr. Gerardo Saco, Jr. sa mamamayan na manindigan laban sa mga sistemang sumisira sa kabutihang panlahat.

Sa kanyang pastoral statement sa paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong February 25 binigyang diin ng pari ang kahalagan ng paninindigan ng mga Pilipino laban sa mga katiwalian gayundin sa pamamayani ng mga political dynasty sa bansa.

Ayon kay Fr. Saco, ang diwa ng EDSA ay patuloy na hamon sa bawat Pilipino na isabuhay ang katotohanan, katarungan at malasakit sa kapwa.

“This includes our civic responsibility to reject systems that undermine the common good — such as political dynasties that concentrate power in the hands of a few. True democracy flourishes when leaders serve the people selflessly, rather than perpetuating their own families’ political interests,” bahagi ng pastoral statement ni Fr. Saco.

Iginiit din ni Fr. Saco na ang pag-alaala sa EDSA ay hindi lamang paggunita sa isang makasaysayang pangyayari kundi panawagan upang patuloy na pangalagaan ang demokrasya.

“Be honest, seek peace, reject corruption, resist dynastic politics, and help those in need,” ani Fr. Saco.

Paliwanag pa ng tagapangasiwa ng diyosesis na ang EDSA People Power ay biyaya ng Diyos na nagpapakita ng kapangyarihan ng pagkakaisa at pananampalataya.

“EDSA People Power was a gift from God, showing that faith, unity, and peaceful action can overcome fear and injustice,” dagdag ng pari.

Hinimok din ni Saco ang mga lider ng Simbahan at lipunan na pairalin ang mapagkumbaba at makatarungang pamumuno.

“True leadership is measured by care for the least and by decisions that promote the common good,” dagdag pa sa pahayag.

Naniniwala ang pari na ang diwa ng EDSA ay dapat manatiling buhay sa puso ng bawat Pilipino at magsilbing gabay sa araw-araw na pagpapasya para sa kapakanan ng nakararami.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 71,168 total reads

 71,168 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 106,472 total reads

 106,472 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,772 total reads

 141,772 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 368,041 total reads

 368,041 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 257,500 total reads

 257,500 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top