PIMS for transparency at accountability, inilunsad ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,698 total views

Ganap nang ipinatutupad ng Diocese of Antipolo ang digitalization bilang bahagi ng pagpapalakas ng transparency at pananagutan sa pamamahala ng mga parokya.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos ito ang layunin sa full implementation ng Parish Information Management System (PIMS) sa mga parokya kung saan papalitan ng makabagong sistema ang manu-manong pagtatala at magbibigay ng mas mabisa, tumpak, at ligtas na pangangasiwa ng iba’t ibang records ng mga parokya.

“This undertaking is our concrete response to God’s call to faithful and prudent stewardship, as well as to the Church’s mandate for transparency and accountability,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.

Binigyang diin ng obispo na sa pamamagitan ng hakbang ay higit na mapangalagaan ang mga handog ng mananampalataya at matiyak na magagamit sa wastong mga pamamaraan.

“We assure you that your offerings are carefully safeguarded, properly utilized, and honestly accounted for in service of the Church’s mission,” ani Bishop Santos.

Bahagi ng sistema ang accounting module na magtatala ng mga transaksyon, pag-iisyu ng opisyal na resibo, pagsubaybay sa mga deposito at gastusin, at pagbuo ng komprehensibong ulat-pinansyal.

Hinimok naman ng obispo ang lahat ng parokya na makiisa at tiyakin ang wasto at tuluy-tuloy na paggamit ng PIMS sa araw-araw na operasyon bilang pagsasabuhay ng responsable at tapat na pangangasiwa sa yaman ng Simbahan.

Tiniyak ni Bishop Santos ang pagpapaigting sa mga hakbang sa pagsusulong ng matapat at makatarungang pamamahala sa mga handog sa simbahan bilang mga katiwala ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 65,461 total views

 65,461 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 140,075 total views

 140,075 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 220,154 total views

 220,154 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 263,293 total views

 263,293 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 260,443 total views

 260,443 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top