Malabnaw na imbestigasyon sa anumalya sa flood control projects, kinuwestiyon ni Archbishop Valles

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,942 total views

Hinamon ni Davao Archbishop Romulo Valles ang mga lider ng pamahalaan na magbigay ng malinaw at kapani-paniwalang paliwanag kaugnay sa mga alegasyon ng katiwalian at iregularidad sa pamahalaan.

Ito ang mensahe ng arsobispo kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa kanyang pastoral statement na may pamagat na “Disturb Us, Lord,” tahasang inilahad ng arsobispo ang mga katanungan hinggil sa pananagutan ng mga nasa kapangyarihan.

“What clear and credible explanations have been offered regarding allegations of misconduct at the highest levels of leadership?” ayon kay Archbishop Valles.

Kinuwestiyon din ng arsobispo ang resulta ng mga isinagawang imbestigasyon ng Kongreso hinggil sa mga anomalya at malawakang korapsyon.

Dismayado ang pastol na pawang maliliit na mga opisyal lang ang napagbabalingan sa halip na pananagutin ang mga sangkot na matataas na lider.

“Where are the concrete outcomes of legislative investigations conducted by the House of Representatives and the Senate concerning alleged anomalies in infrastructure projects? Why do inquiries appear to hold only minor officials accountable, when systemic wrongdoing suggests responsibility at higher levels?” ani ng arsobispo.

Binanggit din ng arsobispo ang mga ulat ng iregularidad sa 2025 national budget, partikular sa mga flood control projects, at ang pagkaantala sa pagpapalabas ng mahahalagang impormasyon sa publiko.

Ayon kay Archbishop Valles, may pagkakatulad ang kasalukuyang sitwasyon sa mga panahong nagbunsod sa makasaysayang pag-aalsa noong 1986.

“As in the years preceding the 1986 EDSA Revolution, we once again witness troubling realities in our national life: the erosion of rights, deception in public discourse, and the misuse of public funds,” giit ng arsobispo

Binigyang-diin din ng arsobispo na higit pa sa usaping pampulitika at pang-ekonomiya ang kinahaharap ng bansa.

“Beyond political and economic concerns lies a deeper and more dangerous crisis — a crisis of morality,” saad ni Archbishop Valles.

Ipinaliwanag ng arsobispo ang pagkakaroon ng “moral fatigue” kung saan napapagod ang mamamayan sa paulit-ulit na pagharap sa katiwalian hanggang sa humina ang paninindigan para sa katotohanan.

“There is a danger that resignation may replace vigilance, and silence may take the place of moral courage.”

Nanawagan si Archbishop Valles ng panibagong paggising ng diwa ng People Power na nakaugat sa pananampalataya at integridad.

“We pray that the genuine Power of the People may once again be awakened — not in anger or division, but in courage, integrity, and a renewed commitment to honest and responsible governance.”

Kasabay ng pagpasok sa panahon ng Kuwaresma, hinimok ng arsobispo ang mga mananampalataya na magsimula ng pagbabago sa sarili at palakasin ang paninindigan para sa katotohanan, transparency, accountability at kabutihang panlahat.

Bilang konkretong hakbang, tiniyak ng arkidiyosesis ang pagpapatibay ng political at civic education sa mga parokya at institusyon, mas masusing pagbabantay sa paggamit ng pondo ng bayan, at pakikipagtulungan sa mga grupong nagtataguyod ng integridad at reporma.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 136,529 total views

 136,529 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 158,639 total views

 158,639 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 232,036 total views

 232,036 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 225,127 total views

 225,127 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top