CEAP, nanindigan sa ikaapat na antas ng civil degree ng pagbabawal sa political dynasty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,596 total views

Nanindigan ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na dapat palawigin hanggang sa ika-apat na antas ng civil degree ang ipatutupad na pagbabawal laban sa political dynasty upang matiyak na magiging makabuluhan at hindi lamang simboliko ang gagawing reporma.

Sa inilabas na pahayag CEAP, binigyang-diin ng asosasyon na hindi sapat ang paglilimita sa ikalawa o ikatlong antas ng civil degree dahil maaari pa ring manatili ang kapangyarihan sa loob ng iisang angkan sa pamamagitan ng mas malalayong kamag-anak.

“Limiting the prohibition to only the second or third civil degree may appear sufficient on paper, but in practice it leaves wide openings for political power to remain within the same extended clan. In many communities, cousins, in-laws, nephews, nieces, and even more distant relatives function as a single coordinated political unit, sharing resources, machinery, and decision-making influence.” Ayon sa CEAP.

Ipinaliwanag ng grupo na sa maraming lugar sa bansa, ang mga pinsan, bayaw, hipag, pamangkin, at iba pang kamag-anak ay kumikilos bilang iisang magkakaugnay na puwersang pampulitika na nagbabahaginan ng yaman, makinarya, at impluwensya sa komunidad.

Pagbabahagi ng CEAP, kung hanggang ikalawa o ikatlong antas lamang ang saklaw ng pagbabawal sa pagtakbo sa pampublikong posisyon ay maaari pa ring mailipat ang posisyon sa isang kamag-anak na lampas sa itinakdang hangganan habang nananatili ang parehong pampamilyang ng control sa pulitika ng iisang angkan.

“If the restriction stops at the second or third degree, power can simply be transferred sideways, to a cousin, an in-law, or another relative just outside the boundary while preserving the same network of control.” Dagdag pa ng CEAP.

Dahil dito, iginiit ng CEAP na ang pagtatakda ng hangganan hanggang ika-apat na antas ng civil degree ay pagkilala sa aktuwal na nangyayaring alyansang pampamilya sa politika sa iba’t ibang lugar sa bansa, lalo na sa lokal na antas kung saan malalim at malawak ang ugnayang magkakamag-anak sa larangan ng pulitika.

“A fourth-degree limit acknowledges how political alliances within families actually operate, especially in local settings where kinship ties extend beyond the nuclear family. The goal is not to overreach, but to prevent cosmetic compliance that keeps the structure intact while changing only the surname on the ballot. By drawing the line at the fourth civil degree, the reform becomes meaningful rather than symbolic, ensuring that leadership rotation truly opens space for broader democratic participation rather than merely reorganizing family succession.” Ayon pa sa CEAP.

Para sa CEAP, ang tunay na reporma laban sa political dynasty ay hindi dapat magbigay-daan sa ‘cosmetic compliance’ o pormal na pagsunod lamang, kundi dapat magbukas ng mas malawak na partisipasyon at pananagutan sa demokratikong proseso ng bansa.

Ayon sa datus ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) aabot sa 178 ang bilang ng mga ‘dominant political dynasties’ o kilalang angkan sa larangan ng politika sa bansa, kung saan sa 94 na porsyento sa 80-probinsya sa Pilipinas ay mayroong na political dynasty.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang climate disinformation

 18,857 total views

 18,857 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 40,132 total views

 40,132 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 213,436 total views

 213,436 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 234,282 total views

 234,282 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top