Bishop Santos,umaapela ng dasal para sa kaligtasan ng mga OFW sa gitnang silangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,873 total reads

Umapela ng panalangin at pakikiisa si Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa kapayapaan sa Gitnang Silangan kasunod ng tumitinding sigalot sa rehiyon.

Paalala ni Bishop Santos sa mga Pilipino sa mga apektadong lugar na manatiling mapagmatyag at alerto sa lahat ng oras para sa kanilang kaligtasan.

“For your safety and well-being, I strongly advise you to remain in your respective homes and places of work, to avoid unnecessary travel, and to faithfully follow the instructions of our Embassy officials and all legitimate authorities,” pahayag ni Bishop Santos.

Ang panawagan ng obispo ay kasunod ng ulat hinggil sa malawakang operasyong militar ng Amerika at Israel laban sa Iran na naglalayong pahinain ang kakayahang militar at nuclear ng bansa.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na ang patuloy na paglala ng sitwasyon ay may malawak na implikasyon hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong mundo.

“This conflict threatens not only the stability of the Middle East but also the peace of the world,” ayon sa obispo.

Nagbabala rin ang obispo sa magiginf epekto ng digmaan sa mga sibilyan.

“Such escalation heightens tensions in an already volatile region and places countless civilian lives at risk,” ani Bishop Santos.

Partikular na tinukoy ng obispo ang kalagayan ng mga Filipino seafarers at migrant workers sa Gitnang Silangan at mga karatig-bansa, at tiniyak ang panalangin ng Simbahan para sa kanilang kaligtasan.

Bukod sa paalala sa kaligtasan, hinimok din ng obispo ang mga mananampalataya na manatiling tapat sa paninindigan para sa kapayapaan.

“As Christians, we are called to be peacemakers… and to stand firm in our commitment to peace, justice, and reconciliation,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Hinimok din nito ang publiko na huwag maging manhid sa nangyayaring karahasan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“Let us not be indifferent. Let us remain vigilant in prayer and steadfast in hope,” panawagan ng obispo.

Umaasa si Bishop Santos na sa pamamagitan ng panalangin at sama-samang pagkilos ay manaig ang pagkakasundo at tuluyang magwakas ang karahasan sa rehiyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 26,965 total reads

 26,965 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 63,306 total reads

 63,306 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 117,141 total reads

 117,141 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 179,440 total reads

 179,440 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 247,187 total reads

 247,187 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top