Baha ng disimpormasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 625 total reads

Mga Kapanalig, habang isinasagawa noong nakaraang linggo ang confirmation of charges hearing ng dating Pangulong Duterte sa International Criminal Court (o ICC), pinutakte sa social media ang mga kapamilya ng drug war victims na tinulungang lumipad sa The Hague para personal na saksihan ang naturang pagdinig.

Ikinalat sa social media ang litrato nina Llore Pasco at Sheerah Escudero, mga kamag-anak ng drug war victims, at Rubilyn Litao, coordinator ng grupong Rise Up for Life and for Rights, na may hawak na luxury handbags. Ang unang Facebook post ng kumalat na larawan ay nagmula sa isang kilalang pro-Duterte vlogger. Nag-post din ang dose-dosenang accounts na may magkakaparehong mensahe—o ang tinatawag na copy-paste script—kung saan kinukutya ang tatlo at nakasaad ang presyo ng umano’y mamahaling handbags. Umani ang mga posts ng maraming reaksyon at komentong panlalait at akusasyon sa tatlo. Mga bayarán daw sila. Yumaman daw sila dahil sa extrajudicial killings. Buwis pa raw natin ang ginamit na panggastos para makabiyahe sila patungong The Hague. 

Peke ang nasabing larawan. Agad na nilinaw ito ng mismong kumuha ng litrato na isang TV news anchor. Minanipula ang litrato gamit ang artificial intelligence (o AI). Sa orihinal na larawan, walang hawak ang tatlo na mamahaling bag. 

Kinundena ng iba’t ibang grupo ang pambabastos sa tatlo at ang pagpapakalat ng fake news. Sinabi ni Atty Maria Sol Taule, isang human rights lawyer, na nanghiram pa sa kanya si Sheena Escudero ng damit-panlamig. Nagtulung-tulong din ang mga tao at organisasyong sumusuporta sa mga biktima upang makarating ang tatlo sa The Netherlands. Naghain na rin ng reklamo ang National Union of People’s Lawyers sa NBI laban sa mga nagpakalat ng dinuktor na litrato. Umabot ng halos dalawang araw bago matanggal ang naturang post.

Kumalat ang minanipulang litrato ilang oras matapos ipahayag ng ICC prosecution na sinadya sa ilalim ng war on drugs ang pag-target sa mahihirap dahil maliit daw ang posibilidad na magsampa sila ng kaso laban sa pulis. Timing na timing ang paglalabas ng pekeng larawan.

Matapos ipaaresto ng ICC ang dating pangulo, lalong lumaganap ang disinformation tungkol sa madugong giyera kontra drogra. Naging sandata ng mga disipulo ni Duterte ang AI at fake news para magpakalat ng kasinungalingan at lunurin ang katotohanan. Layon nilang makuha ang simpatya ng mga tao at ipagtanggol ang dating pangulo, pagdudahan ng publiko ang kredibilidad ng ICC, at gipitin ang mga kapamilya ng drug war victims.

Habang ginugunita ang ika-40 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution at isinasagawa ang ikatlong Trillion Peso March laban sa mga korap at magnanakaw, nagpapakalat naman ng kasinunganlingan ang mga tagasuporta ng dating Pangulong Duterte sa digital space. Sabi nga, kapatid ng sinungaling ang magnanakaw. Ang baha ng korapsyon at disimpormasyon ay magkaugnay. Ikinukubli ng mga ito ang katotohanan at binabalewala ang pananagutan o accountability para sa interes ng mga makapangyarihan. Sa Catholic social teaching na Christus Vivit, sinabi ni Pope Francis na ang paglaganap ng fake news ay nagpapahiwatig ng isang kulturang binabaluktot ang katotohanan upang pagsilbihan ang interes ng iilan. Labanan natin ang kulturang ito. 

Mga Kapanalig, habang hinihintay natin ang resulta ng confirmation of charges hearing ng ICC, manatili tayong mapagmatyag at mapanuri sa mga balitang naririnig at nakikita, lalo na sa social media kung saan madaling ipakalat ang mga larawan gamit ang AI. Paalala pa nga sa Mga Kawikaan 17:4-5, “ang sinungaling ay sumusunod sa baluktot na dila. Ang nanlalait sa mahirap ay humahamak sa Maykapal, at ang nagagalak sa kapahamakan ng iba’y mayroon ding pananagutan.” Labanan natin ang baha ng disimpormasyon.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,135 total reads

 59,135 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,236 total reads

 138,236 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,681 total reads

 171,681 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,979 total reads

 206,979 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,104 total reads

 431,104 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 59,136 total reads

 59,136 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,237 total reads

 138,237 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,682 total reads

 171,682 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,980 total reads

 206,980 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top