Apostolic administrator, itinalagang Obispo ng Apostolic Vicariate of Tabuk

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 589 total reads

Itinalaga ni Pope Leo XIV si Fr. Sean Mejia bilang bagong obispo ng Apostolic Vicariate of Tabuk.

Si Bishop-elect Mejia ang kasalukuyang administrator sa lugar makaraang maging sede vacante noong February 2025 sa paglipat ni Bishop Prudencio Andaya Jr. sa Cabanatuan.
Ipinanganak noong March 3, 1972 sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Nagtapos ng kanyang philosophy sa San Pablo Seminary sa Baguio City at theology naman sa Immaculate Conception School of Theology sa Vigan City.

Nagkamit ng licentiate ng canon law sa Pontificia Universita Urbaniana sa Roma.

Si Bishop-elect Mejia ay inordinahang pari noong October 19, 1999.

Naglingkod sa bikaryato sa iba’t ibang tanggapan kabilang na ang pagiging director ng Faith and Doctrine Commission at Ecology Desk.

Siya rin ay nagsilbing chancellor at vicar general ng bikaryato bago maging pro-apostolic vicar o adminstrator noong March 2025.

Si Bishop-elect Mejia rin ay naging pangulo ng St. Louis College of Bulanao.

Siya ang ikatlong obispo ng Tabuk na isang missionary jurisdiction na itinatag noong 1992.

Sa kasalukuyan mayroong 22 parokya at mission stations ang bikaryato na pinangangasiwaan ng 25 diocesan priests katuwang ang iba’t ibang religious congregations na nagmimisyon sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,293 total reads

 55,293 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,666 total reads

 134,666 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,111 total reads

 168,111 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,409 total reads

 203,409 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,712 total reads

 427,712 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top